Isa sa mga pinaka-indemand na leadingman ngayon sa mundo ng showbiz ay ang aktor na si Paolo Avelino. Siya ay nagsimula sa industriya ng showbusiness noong taong 2006 ng maging isa siya sa kalahok ng reality show noon ng GMA network na Starstruck. Dito na nga nagsimula ang mas maraming oportunidad kay Paolo, dahilan upang siya’y mas sumikat at makilala ng publiko bilang isang mahusay na aktor.
Maliban sa pagiging isang mahusay na aktor ni Paolo, ay hindi naman maikakaila na isa rin siya sa mga gwapong aktor sa mundo ng showbiz na talaga namang kinakikiligan at pinapantasya ng maraming mga kababaihan. Talaga namang napakatikas at gwapo ng aktor, lalo na nga kapag siya ay nakasuot ng kanyang pangmalakasang porma.
Ang taglay na kagwapuhan ni Paolo ay ilang beses na niyang ipinamalas, lalo na sa mga teleserye na kanyang kinabibilangan. Samantala, kamakailan nga lamang ay naging agaw-pansin si Paolo sa social media, ito ay dahil sa kinagiliwan ng mga netizens ang kanyang naging social media post kung saan ay kanyang ibinahagi ang simpleng OOTD niya sa loob ng kanyang tahanan.
Makikita sa ibinahaging larawan ni Paolo, na malayong malayo ito sa Paolo na madalas nating nakikita sa telebisyon. Dahil kung sa mga serye at mga guesting ni Paolo ay makikita natin siyang nakatodo porma, ay malayo naman ang pormahan ng aktor kapag siya ay nasa loob lamang ng kanyang tahanan.
Sa kanyang naging post sa Twitter account niya ay nakapambahay lamang ang aktor, ngunit sa kabila nito ay kinabiliban pa rin ng mga netizens ang kanyang taglay na kagwapuhan. Sa larawan kasi ni Paolo ay makikita na isang oversized shirt ang kanyang suot, at ang short niya naman ay halos lagpas na kanyang tuhod.
“@Ganito ako pumorma”, caption ni Paolo sa kanyang naging post.
Kung pagmamasdan nga ang ayos ni Paolo sa larawan ay tila pulubi ito sa suot niyang pambahay, ngunit sa kabila nito ay dinagsa pa rin ito ng napakaraming mga komento na pinupuri ang kagwapuhan niya.
Masasabi naman na proud na proud si Paolo sa kanyang pambahay OOTD, dahil sa kabila ng tila nagmukha siyang pulubi ay makikita naman na kumportableng-kumportable sa kanyang suot na damit na nagbibigay sa kanya ng kaginhawaan.
Narito naman ang mga naging komento ng netizens sa post na ito ni Paolo; “Okay lang Paolo! Tanggap kita!” “Sana all gwapo pa din tingnan kahit mukhang pulubi ang damit” “Kahit naman anong suot mo ikaw pa rin ang mahal ko”





0 Comments