Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kilalanin Ang Anak Ng Aktres Na Si Jean Garcia Na May Lahing Hapon

Shimizu Agaw-Pansin Ngayon Dahil sa Ka-Kyutan at Ka-Pogiang Taglay Nito
Si Jean Garcia, ay isang Pinay aktres, na hinahangaan dahil sa kanyang husay sa pag-arte, lalo na kung ang kanyang gagampanang karakter, ay ang pagiging kontrabida sa isang pelikula.
Batid naman natin, na mayroong isang anak na babae si Jean Garcia, at ito nga ay si Jennica Garcia na minsan na ring pumasok sa mundo ng showbiz, ngunit nilisan rin nito ang industriya, dahil mas nais nito ang mamuhay ng simple kasama ang kanyang binuong pamilya.

Samantala, nito lamang nakaraan, ay ang anak na lalaki naman ni Jean Garcia, ang naging agaw-pansin sa publiko, matapos magbahagi ng aktres, ng ilang mga larawan nila ng kanyang anak na lalaki, na si Kotaru Shimizu.

Ang binatang anak ni Jean, na si Kotaru Shimizu, ay anak ng aktres sa dati niyang karelasyon, na ayon sa ilang mga naging ulat ay isang Japanese advertising executive. Ito nga ay hindi na pinangalanan pa ng aktres, ngunit ayon sa kanya, nakilala niya ito ay naging karelasyon ng siya ay nagtatrabaho pa sa Japan, bilang singer sa isang hotel.

Dahil si Kotaru, ay may lahing hapon, ay nagpadagdag pa lalo ang kanyang singkit na mga mata, sa ka-pogian at ka-kyutan na taglay niya, na talaga namang hinangaan ng maraming netizens, matapos makita ang larawan ng binata, kasama ang inang si Jean Garcia.

Maliban pa nga sa mga larawan na ibinahagi ni Jean Garcia sa kanyang social media account, ay nagbahagi rin ang aktres ng mga TikTok video ng anak niyang si Kotaro, at ito ay nilakipan niya ng caption na;

“My baby love. Binata na talaga ang anak ko.#proudmama”Ayon naman sa naging ulat ng GMA, patungkol sa 16-taong gulangna anak na binata ni Jean Garcia, ay hilig umano nito ang maglaro ng basketball, at makipag-bonding sa kanyang ina.Madalas ngang magkasama ang mag-ina, at mag-bonding. Isa nga sa mga bonding nila, ay ang mamasyal o mag-travel sa iba’t ibang mga magagandang lugar na nais nilang puntahan.

Isa naman umano sa mga pangarap ni Kotaro ay ang makapanood ng live game ng NBA, at ito nga ay kanya ng natupad ng magkaroon siya ng pagkakataon na mapanood ito ng live sa Staples Center.
Matatandaan naman na taong 2007 ng ibahagi ni Jean Garcia sa GMA News Online, na hindi siya nakakatanggap ng anumang suporta mula sa ama ni Kotaro, ngunit ito ay ayos lang naman umano sa aktres, dahil ang mahalaga naman sa kanya ay magkaroon sila ng anak, at ipinagpapasalamat nga niya na na naging anak niya si Kotaro.

Ibinahagi naman ni Jean, kung bakit hindi sila nagkatuluyan ng ama ni Kotaro, at ang tang inga lamang sinabi ng aktres ay dahil sa ang nais nito, ay manatili siya sa Japan, at maging housewife nito.
“Hindi bagay sa akin”, ani ni Jean.

Sa taglay na ka-kyutan at ka-pogiang taglay ng binatang anak ni Jean Garcia, ay hind inga imposible na magkaroon ito ng lugar sa industriya ng showbiz sa ating bansa, kung dumating man ang panahon na sundan nito ang yapak ng kanyang inang aktres.



Kilalanin Ang Anak Ng Aktres Na Si Jean Garcia Na May Lahing Hapon
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments