Alam niyo ba na isa sa mga hinahangaan at iniidolo nating gwapong leading man na si Jericho Rosales, ay mayroon ng anak? At ang anak na ito ng aktor, ay isa ng binata, at hindi maitatanggi na kasing-gwapo niya.
Bilang isang mahusay at gwapong aktor sa industriya ng showbiz, ay si Jericho Rosales, ang maituturing na isa sa pinaka-indemand na aktor ng kanyang henerasyon.
Ang kanyang taglay na karisma, gwapong mukha, at pagkakaroon ng dimple sa pisngi sa tuwing siya’y ngumingiti ay talaga namang nakabibigahani ng mga kababaihan.
Samantala,marami na ang nakababatid sa atin, na si Jericho Rosales, ay mayroon ng anak na binata, na 19-taong gulang na, at ang anak niyang ito ay talaga namang malaki ang pagkakahawig sa kanya.
At ngayon nga ang binatang anak na ito ni Jericho na si Santino, sa edad na 19, ay isa ng negosyante. Kung saan kamakailan lamang, ay masayang ibinahagi ng binata, kasama ang kanyang inang si Kai Palmonares, ang pagsisimula ng kanyang negosyo.
Makikita sa Instagram ni Santino Rosales, ang kanyang naging pagbabahagi nito lamang nakaraan, ng pagbubukas at pagsisimula niya ng negosyo. At ito nga ay ang KAISAINT skews & brews, na matatagpuan sa may Paranaque City.
Kasabay ng pagbabahagi ni Santino, ng bagong “journey” niya bilang businessman, ay nagbahagi rin ang binata, ng kaunting kweto, kung paano niya natupad ang pangarap niyang magkaroon ng sariling negosyo.
“Story time! It’s always been a big dream of mine to start a business early in life. Today, I am proud to say that I took the leap and started my first business venture with my mum.”
“Every day, I think of how blessed I am to be able to have the opportunity to do this in my last year of being a teenager and to live the life I have”, saad ni Santino.
Noong nakaraang taon pa nga plinano ng mag-ina ang negosyo nilang ito, kung saan ng mga panahong iyon, ay nagsisimula na rin si Santino na i-manage ang kanyang sariling restaurant na KAISAINT art.food.space.
Ayon naman sa ibang mga ulat, ang KAISAINT, na ipinangalan ni Santino sa negosyo nila ng kanyang ina, ay kuha mula sa kumbinasyon ng pangalan nilang mag-ina, ang Kai at Saint.
Panigurado naman na sa tagumpay at pagiging masipag ni Santino, ay proud na proud sa kanya ang kanyang amang si Jericho Rosales.
Unico Hijo Ng Aktor Na Si Jericho Rosales Isa Ng Businessman Sa Edad Na 21 Taong Gulang
Source: Viral Pinas News






0 Comments