Ngayong taong 2021 nga ay muling dumaan ang selebrasyon ng Halloween, at katulad nga ng tradisyon na ginagawa ay marami nga sa mga artista ang muling nakiisa sa selebrasyon na ito na nagbihis ng mga costumes na halintulad sa kanilang mga paboritong karakter o personalidad.
Ang iba ngang mga artista ay nag-costumes ng tulad sa isang Superhero, at ang iba naman ay kagaya ng sa mga popular na karakter sa mga cartoon o Tv series. Halina’t tingnan nga natin sa gallery na ito ang mga naging nakakaaliw na mga Halloween costumes ng mga celebrity noon ngang nakaraang Halloween.
1. Kim Chiu (Snow White)
“Somewhere in the middle of nowhere!!!!! Di ko rin alam san to eh!” , ang naging caption ni Kim sa kanyang IG post noong Halloween kung saan nga ay makikitang siya ay nagmalaSnow White.
2. Isabelle Daza (Betelgeuse of Beetlejuice)
“Ugh I’m basic this year,” caption naman ni Isabelle sa kanyang larawan, kung saan ay ginaya nga niya ang Betelgeuse of Beetlejuice, at kumpleto pa siya sa props.
3. Andrea Brillantes (Beth Harmon of The Queen’s Gambit)
“It’s an entire world of just 64 squares,” saad ng ani Andrea sa kanyang naging nakamamanghang awrahan noong Halloween.
4. Maja Salvador (Kim Kardashian from the 2021 Met Gala)
“Kim Meets Maja,” caption naman ni Maja, habang ibinibida ang kanyang costume na all balck mula ulo hanggang paa.
5. Alex Gonzaga (Princess Sarah) at Toni Gonzaga (Miss Minchin)
“Si miss Minchin at si princess Sarah.. parang totoong buhay lang ah hindi costume,” caption ni Alex sa larawan kung saan ay kasama nga niya ang kanyang ate Toni, at makikita nga ang nakakatuwa nilang acting na tulad ng sa palabas na Princess Sarah noon, habang suot ang kanilang costume na tulad kana Pricess Sarah at Miss Michin.
6. Maxene Magalona (Chun-Li of Street Fighter)
“Sweet Fighter Happy Halloween,” ang naging caption nga ni Maxene sa kanyang IG post, kalakip ang larawan niya na nakasuot ng kanyang Halloween costume.
7. Tim Yap (Player 001 of Squid Game)
“Never too old for this game,” ang naging caption naman ni Tim Yap, kalakip ang larawan kung saan ay kita ngang ginaya niya si Player 001 sa hit series na Squid Game.
Silipin Ang Mga Nakakatuwang larawan Ngayon Halloween Ng Mga Celebrity
Source: Viral Pinas News








0 Comments