Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

KitKat Ibinida Ang Baby Bump Sa Kanyang Napakagandang Favia’s Dreamy Maternity Photoshoot

Tulad ng ibang mga blooming na soon-to-be-mom, ay hindi na nga maitago ng koemdyanteng si KitKat ang kanyang excitement sa pagdating o pagsilang niya ng magiging panganay niyang anak. Matatandaan, na buwan ng Pebrero ng kasalukuyang taon, ng isapubliko ni KitKat ang napakagandang balita, at ito nga ay ang kanyang pagbubuntis.

Sa kasalukuyan nga ay nasa ika-8 buwan na ang ipinagbubuntis ng komedyante, kaya naman talagang palapit na ang palapit na ang araw na kanyang hinihintay na makita at mahawakan sa unang pagkakataon ang kanyang anak.

Samantala, sa panahon ngayon ay usong-uso na sa mga nagbubuntis ang pagkakaroon ng maternity photoshoot bago dumating ang kanilang kabuwanan, at isa nga si KitKat sa mga mom-to-be na hindi nagpahuli sa pagkakaroon ng isang magandang maternity photoshoot.

Ibinahagi ni KitKat sa kanyang Instagram account nito lamang nakaraan ang kanyang naging maternity photoshoot, at ito ay tunay namang napakaganda at kahanga-hanga, dahil sa talagang ang tema nito ay ang pinapangarap niyang maternity shoot.

“I am extremely grateful for all of your blessings in my life, Lord.
My baby girl in my tummy reminds me of just how blessed I am and that you never allow me to forget to show my gratitude in prayer and returned acts of kindness. Thank you, Lord.”, saad ni KitKat sa kanyang Instagram post.

Sa isang Instagram post pa nga ng komedyante ay isang lyrics mula sa isang popular na baby dedication song naman ang kanyang ibinahagi, kung saan ayon kay KitKat ito ang nararamdaman niya ngayon para sa kanyang magiging anak.

“For this child I have prayed And You heard my cry For this baby I had faith
You gave new life In this moment now I prayAnd I vow to You this day
I dedicate this baby back to You I dedicate myself to train and love them like You do
I will do my part i will put Your Word into their heart I dedicate this baby back to You.”

Ang napakaganda ngang maternity photoshoot ni KitKat ay kinunan sa Fernwood Gardens sa Quezon City kung saan ang kanyang naging makeup artist ay si Julius Cabanisas at ang naging stylist naman ay si Yvonne Camay. Si Wally Gonzales naman ang naging photographer ng komedyante sa maternity photoshoot niyang ito.

Samantala, sa naunang post ni KitKat ay mababasa ang pagpapaabot niya ng pasasalamat sa kanyang non-showbiz husband na si Walby Favia.“Appreciation Post to a very responsible, loving, caring, hands on hubby and soon to be daddy to Baby Girl Uno Asher…

thank u for always telling me and making me feel that i complete u, and now na parating na si Baby Uno Asher sabi mo kumpletong kumpleto kana… na palagi kang happy at di makapaniwala na preggy wife mo na ako, hehe at naaamaze ka pa din sa mga nakikita mong nangyayari sa isang buntis….

(Well sa mga nakakaalam may isang anak na si sweetie na mag 20 yrs old pero never nyang naranasan na makakita at makasama ang asawang buntis) … thank u asawa ko sa pagdamay sa lahat ng nararamdaman ko,

mapasaya, mapa cravings, mapa sungit, mapa tampo, mapa sensitive at lahat lahat pa.. (pero aminin mo napakabait kong buntis, ngayon lang talaga pag may nagtrigger di na mapigilan ang sungit! Haha) … we love you so very much daddy @favwalby mwah!”Si KitKat at ang kanyang non-showbiz husband na si Walby ay ikinasal noong taong 2014.



KitKat Ibinida Ang Baby Bump Sa Kanyang Napakagandang Favia’s Dreamy Maternity Photoshoot
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments