Minarkahan ng award-winning Kapuso actress na si Bea Alonzo ang pagdiriwang niya ng kanyang ika-34 taong gulang na kaarawan, kung saan ay binigyan nga niya ng katuparan ang pangarap niyang ‘cinematic birthday photoshoot.’
Tunay namang napakaganda ni Bea sa kanyang naging photoshoot, dahil siya nga ay nagmistulang Hollywood star dahil sa kanyang suot na ‘vintage style outfit’ na pinaresan pa niya ng ‘long plaid coat.’
Isa sa mga magagandang larawan ng Kapuso actress sa kanyang birthday photoshoot, ay ang naka-posing siya sa isang nakamamanghang kuha habang hawak niya ang telepono na tila nga sumasagot sa isang tawag.
Ang larawan nga na ito ni Bea, kung saan siya ay nakahawak sa telepono na tila may kausap ay hinango sa American Film na “Sorry Wrong Number” na ipinalabas noong taong 1984.
Samantala, mas lalo namang naging kumpleto awrahan ng aktres ng isuot niya ang ‘clear-framed eyeglasses.’
Sa iba namang larawan ng aktres ay makikita kung gaano bumagay sa kanya ang kasuotan niyang ‘chic outfit style’ na mas binagayan pa ng kanyang bob-cut hairstyle.
Talaga nga hindi na naman nga binigo ni Bea ang kanyang mga tagahanga sa kanyang kaarawan, sapagkat ipinamalas na naman niya ang kanyang ‘stunning looks’ at ‘creativve visuals’ na kamangha-mangha.
Ang cinematic birthday photoshoot naman na ito ng Kapuso actress ay naging matagumpay sa tulong ng visual artists at photographer na si Mark Nicdao, kung saan ito ay kinuhaan sa fasion styling sudio na, Qurator Studio.
“Bearable lightness of being Bea”, ang naging saad nga ng photographer na si Mark Nicdao sa mga napakagandang larawan ng aktres na kanyang kinunan.Ipinagdiwang ni Bea Alonzo ang kanyang ika-34 taong kaarawan noong ika-17 ng Oktubre, araw ng Linggo, kung saan ay nakatanggap nga siya ng sorpresa mula sa kanyang boyfriend na si Dominique Roque na dinalhan siya ng cake at box of red roses.
Ayon pa kay Bea, maliban sa naging sorpresa sa kanya ni Dominique ay niregaluhan pa siya nito ng isang napaka-cute na “puppy” at dinala pa siya nito sa isang weekend getaway sa Batangas.
Narito naman ang naging mensahe niya para sa kanyang boyfriend na si Dominique, at para sa masaya niyang pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
“Thank you for all your love and well wishes on my birthday. You never cease to make me feel special on my birthday every year. But for me, this year is different.
A lot has happened, and all I have in my heart right now is GRATITUDE. I am thankful for all the lessons and courage that this year has brought me. I am now seeing myself in a different light,” she said. “What more can I ask for? Thank you, Lord, for a life so beautiful; I wouldn’t want it any other way. ,” saad ni Bea.
Bea Alonzo Natupad Ang Pangarap Na “Cinematic Birthday Photoshoot” Para Sa Kanyang Kaarawan
Source: Viral Pinas News







0 Comments