Isa sa mga aktres na maningning ang bituin ngayon ay si Andrea Brillantes. Ang kanyang angking husay at galing sa pag-arte ay mas lalong hinangaan ng ipamalas niya ito sa pag-ganap bilang si Marga sa Kapamilya hit series noon na “Kadenang Ginto.”
Kasabay ng pag-usbong ng karera ni Andrea, ay ang katuparan din ng kanyang mga pangarap, hindi lang sa kanyang sarili kundi para rin sa pamilya niya. Nakakabilib na sa kanyang edad ay nakapagpatayo na siya ng isang maganda, malaki at kumportableng tahanan para sa kanyang pamilya. Para sa aktres, ito ang isa sa mga biggest achievement niya.
Samantala, kamakailan lang naman ay ipina-renovate ni Andrea ang kanyang ‘personal space’ sa kanilang tahanan at ito nga ay ang kanyang bedroom. At nang matapos na nga ang ginawang renovation sa kanyang silid, ay proud niya itong ibinahagi sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta sa pamamagitan ng vlog.
Masayang ipinasilip ng aktres ang kanyang bedroom na may Vintage Themed, kung saan pagpasok pa lamang nga sa kanyang silid ay agad ng masisilayan ang mga vintage pieces na nagbigay ng kakaiba ngunit napaka-relaksing vibe. Naging kapansin pansin rin na napakalaki at lawak ng silid ni Andrea na matatagpuan nga sa ikatlong palapag ng kanilang tahanan.
Tila naman wala ng hahanapin pa sa silid ng aktres, at talagang kahit sino ay gugustuhin na tumambay dito dahil sa halos kumpleto na ito. May sarili kasing snack bar, entertainment corner, complete PC setup, lounge area, ‘muni-muni’ spot, vanity corner at siyempre loft bed ang silid ng aktres.
Talaga namang agaw pansin at hunger inducing ang American diner style na snack bar sa silid ni Andrea dahil sa tema nitong kulay pula. Makikita nga sa bahagi na ito ng silid ni Andrea ang Cotton Candy maker, Popcorn maker, Ice cream maker at Snow cone maker. Dito rin nakalagay ang kanyang kulay pulang mini fridge, na iniregalo sa kanya ng kanyang “Huwag Kang Mangba” co-star na si Dimples Romana nu’ng ika-18 taong kaarawan niya.
Sa entertainment area naman sa silid ni Andrea ay mayroong TV at Bean bags. Ayon sa aktres ang couch nito ay pwedeng maging full-sized bed, kaya naman kadalasan ay dito siya natutulog. Ipinakita rin ni Andrea ang punong-puno na stickers na kanyang wardrobe at iba pang bahagi ng silid, kagaya na lamang ng bahagi nito kung saan ay may makikitang drum set.
Ang buong silid na ito ni Andrea ay nagpapakita ng kanyang personalidad, kung saan maliban sa maganda, talented at mukhang trendy ay masasabi nga ang pagiging interesado niya sa maraming mga bagay. Aminado din si Andrea na mas gusto niya sa loob ng kanyang silid ang maraming kagamitan.
Sulyapan ang Vintage Themed Bedroom Ni Andrea Brillantes Na Talaga Nga Namang Nakakarelaks
Source: Viral Pinas News







0 Comments