Nito lamang ika-24 ng Setyembre sa latest post ng Kapamilya actress na si Erich Gonzales ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng kanyang mga larawan kung saan ay kanyang ibinida ang ilang mga naggagandahang captured moments niya habang siya nakasakay sa tila isang yate.
Sa Instagram post na ito ni Erich ay makikita nga siya ay nakasuot ng yellow dress, na nagpalitaw ng kanyang simpleng kagandahan habang siya nga ay nakatingin sa malayo ngunit nakangiti na tila masayang masaya sa kanyang nasisilayang tanawin.
Samantala, marami naman ang talagang humanga sa kagandahan ng aktres, at mababasa nga sa mga komento na maging mga kapwa niya celebrity ay pinuri ang kanyang angking ganda na talaga namang napaka-natural.
Matatanda na ipinagdiwang ni Erich ang kanyang ika-31 taong kaarawan noong ika-20 ng Setyembre kung saan ay agad ring bumaha ng maraming pagbati para sa kanyang kaarawan mula sa mga tagasuporta niya, kapamilya at malalapit na kaibigan.
Sa isang hiwalay na post naman ay makikita ang naging pagpapasalamat ng aktres sa Aquino Family na sina Kris, Bimby at Josh, na nagbigay nga ng sorpresa sa kanyang kaarawan na talaga namang nagustuhan niya.
Isang napakaganda, napakalaki at napaka-eleganteng boquet of flowers ang natanggap ni Erich mula sa Aquino Family, kung saan ayon sa aktres ay mismong si Bimby pa ang naghatid nito sa kanya. Talaga namang na-touch siya sa sweet gesture sa kanya ng pamilya.
Ibinida ni Erich ang mga larawan niya kung saan makikitang katabi niya ang napalaking boquet of flowers, at ito nga ay may captions na; “These flowers and your touching letter made my birthday extra special, Thank you ate Kris, Kuya Josh, and to the cutest delivery man Bimb for the sweet surprise.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami sa atin na si Erich ay talagang malapit kay Kris Aquino at sa dalawang anak nito na si Bimby at Josh. Panganay na anak na nga ang turing sa kanya ni Kris.
Si Ercih Gonzales ay nagsimula sa kanyang karera sa showbiz nu’ng siya ay 14-taong gulang pa lamang. Nagsimula ang kanyang karera ng manalo siya sa reality TV show ng ABS-CBN na Star Circle Quest, at dito na nga unti-unting umusbong at mamayagpag ang pangalan niya sa industriya ng showbiz.
Sa kasalukuyan ay hindi lamang ang pag-aartista ang pinagkaka-abalahan ni Erich, dahil tulad ng ibang personalidad sa showzbiz ay pinasok na rin niya ang mundo ng vlogging, kung saan ay may sarili na nga rin siyang YouTube channel at mga subscribers.
Erich Gonzales Masayang Ipinagdiwang Ang Kanyang Ika-30 Taong Kaarawan
Source: Viral Pinas News






0 Comments