Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Mga Netizens Kinilig Sa Mga Kuhang Larawan Ng Humored Couple Na Sina Julia Montes At Coco Martin

Isa sa mga kinakikiligan ngayon sa mundo ng showbiz ay sina Julia Montes at Coco Martin, ito ay dahil sa talaga namang nakakakilig ang ‘chemistry’ nilang dalawa, at kitang -kita naman na tila masaya at kumportable sila sa isa’t isa. Sa kabila ng wala namang kumpirmasyon mula sa dalawa kung sila nga ba ay magkarelasyon na, ay hindi pa rin mapigilan ng mga netizens na kiligin kapag nakikitang magkasama ang dalawa.

Muli namang kinakiligan ang humored couple, ng ang Facebook page na Kinigtot TV ay magbahagi ng mga behind the scene photo nina Julia at Coco sa programang FPJ’s Ang Probinsyano.

Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng naturang Facebook page ang mga sweet photo ng dalawa, kagaya na nga lamang ng nakaangkas si Julia sa motorsiklo habang si Coco ang driver. May larawan din sila, na nakunan na makikita namang habang sila ay naglalakad sa may dalampasigan ay masaya silang nagtatawanan.

Sa Instagram fan page din nina Julia at Coco ay makikita ang ang ilang mga videos at larawan ng dalawa kung saan tila nga naman napaka-sweet nila sa isa’t isa. Mapapansin rin sa mga larawan ang kagalakan ng FPJ’s Ang Probinsyano actor na muli niyang nakasama at nakatrabaho ang aktres na si Julia Montes.

May video din na makikita sa naturang Fan Page, na nagpapakita naman ng masayang lambingan nina Coco at Julia sa likod ng kamera habang sila nga ay nasa taping. Sa mga larawan at video nga na ito ng dalawa ay tila nga mahahalata ang pagiging kumportable nila sa Isa’t isa, at ang kasiyahan nila na muli silang nagkasama sa trabahao.

Matatandaan na kailan lamang ng ibahagi ni Deon Endrinal ang isang video, kung saan ay makikita naman na ito ang unang araw ng taping ni Julia Montes sa FPJ’s Ang Probinsyano, na may caption nga na “Today is the first taping of Julia Montes for Ang Probinsyano in Ilocos Sur.”

Nagbigay kilig rin sa maraming netizens at tagasuporta ng “CocoJul” ang bagong larawan ng cover ng serye. Sa ngayon nga ay napapanood na natin si Jula salongest primtime series na “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan ginagampanan niya ang karakter bilang si Mara.



Mga Netizens Kinilig Sa Mga Kuhang Larawan Ng Humored Couple Na Sina Julia Montes At Coco Martin
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments