Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Isabelle Daza At Kanyang Foreigner Husband Masaya Sa Pagdating Ng Kanilang Ika-2nd Baby Boy

Matatandaan na ng isinilang ng aktres na si Isabelle Daza ang panganay na anak nila ng kanyang foreign husband ay hindi niya agad isinapubliko ang hitusra ng kanyang baby boy.

Sa story ni Isabelle sa kanyang Instagram account noong taong 2018 ay makikita nga ang pagbabahagi niya ng ilang mga larawan ng kanyang panganay na anak, na hindi niya ipinapakita ang mukha nito.
Dahil rito, ay marami ngang mga netizens ang hindi napigilan ang mapatanong ng dahilan ni Isabelle para hindi ipakita ang mukha ng anak niya, na agad namang binigyang linaw at kasagutan ng aktres.

Ayon nga kay Isabelle, hindi niya agad ipinakita sa lahat ang hitsura ng kanyang panganay na anak nung isilang niya ito dahil iniiwasan niya na ma-judged ang hitsura nito.
“Maybe it’s because I was scared he would be judged by how he looked”, ani ng aktres.

Samantala, makalipas naman ang ilang taon, ay muling nagsilang si Isabelle, at ito nga ay ang ikalawang anak nila ng kanyang asawang si Adrien Semblat. Noon buwan ng Abril, isinilang ni Isabelle si baby Valentin sa bansang HongKong.

At tulad ng ginawa niya sa kanyang panganay na anak, ay hindi muna ipinakita ni Isabelle sa madlang pipol ang mukha nito. Tsaka lamang ipinakita ni Isabelle sa publiko ang hitsura ni baby Valentin noong ito ay limang buwang gulang ng sanggol.

Ang naging pagbabahagi ni Isabelle ng hitsura ni baby Valentin sa unang pagkakataon sa publiko, ay kasabay ng pagdiriwang nilang mag-asawa ng kanilang ika-5 anibersaryo, kung saan ng araw nga din na iyon ay ika-5 months old din ni baby Valentin.

Ibinahagi ni Isabelle ang larawan nila ng kanyang asawa na kuha sa naging kasal nila noong taong 2016 at nagbahagi nga siya ng larawan ni baby Valentin na tutok na tutok sa kamera habang naka-pout ang labi ng sanggol.

“5 months of Valentin and 5 years of marriage”, ang naging caption ni Isabelle.
Hindi naman napigilan ng mga netizens na magiliw sa kakyutan ni baby Valentin sa ginawa ngang tila ‘face reveal’ ni Isabelle. Dahil sa sobrang cuteness at pagka-adorable ni baby Valentin ay bumuhos nga ang maraming mga komento ng papuri para sa sanggol, dahil sa angking kagwapuhan nito.

Ilan sa mga nagbigay ng papering komento ay mga kaibigan ni Isabelle sa showbiz, at ang iba naman ay mga tagahanga ng aktres. “Hey cutie.. cutie…”, ang naging komento ng aktres ni Anne Curtis.
“So gwapo”, saad naman ni Bela Padilla. “OMG.. so cute belle”, mensahe naman ni Bianca Elizalde.

Tunay namang napaka-cute ni baby Valentin, at hind inga maikakaila na ang sanggol ay mula sa mga gwapo at magagandang angkan. Matatandaan na ang ina ni Isabelle, ay ang kauna-unahang Filipina na naging Miss Universe na si Gloria Diaz.



Isabelle Daza At Kanyang Foreigner Husband Masaya Sa Pagdating Ng Kanilang Ika-2nd Baby Boy
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments