Kung ikaw ay batang 90’s marahil ay hindi mo nalilimot ang sikat na child star noon na si Niňo Muhlach. Si Niňo ay isa sa mga mahuhusay at matagumpay na child star noong dekada 90. Ang kanyang kabibohan at angking kakyutan ang nagdala sa kanya sa kasikatan.
Sa ngayon ay hindi na aktibo sa mundo ng showbiz ang dating child star, ngunit sa kabila nito ay nanatili naman ang kanyang ‘legacy’ bilang i
Tila naman talagang nasa dugo na ng mga Muhlach ang pag-arte at pagsabak sa mundo ng showbiz, dahil maliban sa bunsong anak ni Niňo na si Alonzo na ngayon ay kinagigiliwan na din bilang isa sa mga childstar, ay pinasok na rin ng panganay niyang anak na si Sandro ang mundo ng showbiz.
Kamakailan lamang ng pumiram si Sandro ng kontrata sa GMA 7 network, kaya naman isa na ngayon ang panganay na gwapong binatang anak ni Niňo sa mga new faces na aabangan sa mga programa ng nasabing network.
Hindi naman maipagkakaila na tulad ng kanyang amang si Niňo, ay may angking kagwapuhan rin si Sandro na talaga namang kakikiligan sa kanya ng marami niyang mga tagahanga. Maliban pa sa kanyang taglay na kagwapuhan, ay nakakabilib din ang kanyang mga talento, kagaya na lamang ng pagkanta, pagsayaw at pagtugtog ng iba’t ibang mga instrumenting pang musika.
Samantala, sa latest guesting ni Sandro sa Kapuso variety show na “Sarap Diba?” ay pinaunalakan nga ng binata ang kanyang mga tagasubaybay at tagasuporta na masilip ang loob ng kanilang napakagandang tahanan.
Ayon kay Sandro, sa naturang tahanan ay kasama niyang naninirahan ang kanyang amang si Niňo Muhlach, step mother niya na si Diane Tupaz at ang kanya ngang step-brother na si Alonzo. Si Sandro kasi ay anak ni Niňo sa dati nitong asawang si Edith Millare.
Ang kanyang pagapapasilip sa loob ng kanilang tahanan o pa-house tour nga ay sinimulan ni Sandro sa kanilang living area, kung saan ay naroon nga ang kanyang alagang Pomenarian dog. Naroon din ang kanyang kapatid na si Alonzo, na game namang kinamusta ang mga manonood pati na rin ang host ng Sarap Diba? Ang pamilya Legaspi.
Matapos sa living area, ay sunod na dumako si Sandro sa kanilang dining area, kung saan umano madalas silang nagba-bonding magpamilya, lalo na nga sa tuwing may espesyal na okasyon.
Kasunod nito, ay nagtungo naman siya sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan, at ipinasilip niya ang kanyang kwarto. Makikita sa loob ng silid-tulugan ng binata ang isang malaking kama, at sa tabi naman nito ay ang kanyang working station kung saan naroon ang kanyang mga gadgets na ginagamit kapag siya ay nagtatrabaho o may mga meeting na kailangan daluhan online.
Siyempre ipinasilip rin ng binata ang kanyang walk in closet, ang kanyang perfume at shoe collection. Mapapansin nga na karamihan sa mga sapatos ni Sandro ay pang-basketball dahil sa isa ito sa mga kinahihiligan niyang laro.
Ipinasilip rin ni Sandro ang life-size statue ng paborito niyang super hero, pagkatapos nito ay pinasok na niya ang home theater nila na matatahpuan sa ikatlong palapag ng kanilang tahanan. Ayon kay Sandro, dito sila madalas nanonood ng mga movies magpamilya habang ine-enjoy ang pag-upo sa lazyboy chair.
Ano ang masasabi niyo sa magandahang tahanan nina Sandro, napakaganda hindi ba?
Bonggang Bahay Nina Niňo Muhlach Ipinasilip Ng Kanyang Gwapong Anak Na Si Sandro
Source: Viral Pinas News









0 Comments