Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kapamilya Actress Julia Montes Proud Bilang College Student Dahil Sa Nakamit Na Achievement

Marami sa ating mga mag-aaral ang nagsusumikap sa pag-aaral, hindi lamang upang may matutunan at madagdagan ang kanilang kaalaman kundi upang makakuha rin ng “honors” o parangal. Ang mga parangal na ibinigay sa mga mag-aaral sa tuwing magtatapos ang taon ng klase. Ito rin ay ang nagiging motibasyon nila upang lalo pang sipagan ang kanilang pag-aaral.

Isa ang Kapamilya actress na si Julia Montes o sa tunay na buhay ay si Mara Schnittka sa mga iniidolo nating aktres na sa kabila ng kasikatan sa pag-aartista ay binigyan pa rin ng halaga na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Matatandaan na kailan lamang ng magbalik sa pag-aaral ng kolehiyo si Julia, kung saan siya ay pumasok sa Southvilee at kumuha nga ng kursong Business Administration.

Tulad ng ibang mga mag-aaral, talaga namang pinagbutihan ng aktres ang kanyang pag-aaral, kaya naman labis ang kanyang naging kasiyahan ng malaman niya na siya ay pasok bilang Dean’s Lister. Talaga namang ang kanyang naging pagpupursige at pagsisipag sa pag-aaral ay nagkaroon ng magandang bunga.

Makikita sa Instagram ni Julia, ang kanyang naging masayang pagbabahagi ng ‘achivement’ na kanyang nakamtan sa eskwela. Pinasalamatan din ng aktres ang lahat ng mga tao na sumuporta sa kanya sa journey niyang ito bilang isang estudyante muli. Sa kabila ng hindi madali ang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang isang artista, ay nagpapasalamat si Julia dahil nakaya niya ito, lalo na’t alam niya na ang naging tagumpay niya na ito ay sa tulong at gabay sa kanya ng Paninoong Diyos.

“Thank you @southville_is[red heart emoji] Gusto ko lang po magpasalamat kay GOD sa lahat ng blessing na binibigay nya sa akin na nakakapagaral po ako habang nagtatrabaho.

“…thank you sa family ko, sa mga professor ko at sa lahat ng mga taong nagmamahal sa akin dahil kayo po ang inspirasyon ko para matupad lahat ng dreams ko, Thank you God”, ang naging saad ni Julia.
Agad namang bumuhos ang “congratulatory” message para kay Julia mula sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya. Ikinabilib naman ng mga tagahanga ni Julia ang talinong ipinamalas ng aktres sa kanyang nakamit na ‘achievement’ bilang isang Dean’s Lister.

“A big Congratulations, Ms Mara.. and hope more success and blessings to come.. keep safe always”
“Congrats Mara, your beautiful inside and out and your blessed of everything , more Happiness and God loves you.”

“Wow congratulations miss Julia Montes, another aspiring achievement from you… good job po”
“Ang galing naman talaga bebe juls.. nakakaproud”



Kapamilya Actress Julia Montes Proud Bilang College Student Dahil Sa Nakamit Na Achievement
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments