Isa ka ba sa naniniwala na ang pagmamahal ay mas tumatamis pa sa ikalawang pagkakataon? Kung hindi, pwes, maniwala ka na, dahil marami ng mga celebrity couple ang nagpatunay na ang pagmamahahal ay mas tumatamis sa ikalawang pagkakataon.
Lingid sa kaalaman ng marami sa atin na ilan sa mga celebrity couple sa showbiz ang nagkahiwalay na, ngunit dahil sa sinasabing ‘second chance’ ay muli ngang nagkabalikan at ngayon ay mas tumamis at naging masaya pa ang kanilang pagmamahalan.
Sa gallery nga na ito ay makikilala natin ang mga celebrity couple na nabigyan ng ‘second chance’ na ituloy ang kanilang pagmamahalan.
1. Elisse Joson at McCoy de Leon
Noon lamang nakaraang buwan ng Hulyo ay nagdiwang ng kanilang anibersaryo ang magkasintahang sina Elisse Joson at McCoy de Leon. At base nga sa mga larawan na ibinahagi ng magkasintahan, ay makikita nga na tila going strong ang kanilang relasyon.
Sa Pinoy Big Brother unang nagkakilala sina Elise at McCoy ng sila ngang dalawa ay mapabilang bilang housemates nito noong taong 2016. Hindi diretsahan na inamin ng dalawa sa publiko ang kanilang relasyon, ngunit base sa kanilang pagiging kumportable sa isa’t isa ay matutukoy nga na may malalim na silang ugnayan na dalawa.
Matatandaan nab ago matapos ang taong 2018 dumaan sa matinding pagsubok ang relasyon ng dalawa, hanggang sa unang buwan nga ng taong 2019 ay inamin na nila ang naging pagtatapos ng relasyon nila.
Ngunit sa kabila naman ng naging hiwalayan nila, ay tila hindi naman nawala sa dalawa ang pagtingin nila sa isa’t isa, hanggang sa kamakailan lamang sa isang panayam kay McCoy ay inamin nga niya bago pa man sumapit ang [email protected] noong taong 2020 ay nagkabalikan sila ni Elisse.
2. Melai Cantiveros at Jason Francisco
Ang mag-asawang Melai at Jason Francisco ay nagtagpo rin ang landas ng maging housemates sila pareho ng Pinoy Big Brother house. Sila ay nagpakasal matapos nilang makalabas sa PBB house, na ginanap sa Holy Cross Parish sa General Santos City noong buwan ng Disyembre taong 2013. Agad namang nabiyayaan ng anak ang mag-asawang Melai at Jason, at ito nga ay ang panganay na anak nilang si Mela.
Ikinagulat naman ng publiko ng ibahagi ni Jason noong taong 2016 sa kanyang social media account na sila ng asawa niyang si Melai ay hiwalay na. Ang paghihiwalay naman ng mag-asawa ay hindi nagtagal, dahil sa parehong taon rin, ay masayang ibinahagi ni Melai na sila ni Jason ay nagkaayos na.
Sa ngayon ay mayroon ng dalawang anak sina Melai at Jason, matapos isilang ni Melai ang kanilang ikalawang anak na babae noong taong 2017, na si baby Stela.
3. Jennylyn Mercado at Dennis Trillo
Taong 2010 ng unang magkamabutihan ang aktres na si Jennylyn Mercado at aktor na si Dennis Trillo, ngunit paglipas ng isang taon ay naghiwalay ang dalawa. Nang sila ay muling magsama sa isang proyekto ay dito na nga nabigyan ng pagkakataon sina Jennylyn at Dennis na maayos ang kanilang relasyon at sila ay muling nagkabalikan.
Taong 2015 ng ang kanilang pag-iibigan ay muling mabigyan ng ikalawang pagkakataon, at noon nga lamang nakaraang buwan ng Enero taon ng kasalukuyan ay masayang ipinagdiwang ng magkasintahan ang kanilang ika-7 taong anibersaryo.
4. Meryll Soriano & Joem Bascon
Unang nagkarelasyon sina Meryll Soriano at Joem Bascon ng sila ay magsama sa teleseryeng I Love Betty La Fea, ngunit sila ay nagkahiwalay ng magpasya si Meryll na mag-aral sa London.
Muli namang nabigyan ng pagkakataon ang dalawa na maipagpatuloy ang kanilang naudlot na pagmamahalan noong taong 2019, ng sila nga ay muling magsama sa proyektong Starla at Culion.
Umugong ang balita na nagkabalikan na ang dalawa noong sumapit ang taong 2020, at sa pagbungad nga ng taong 2021 ay nakumpirma na ang pagbabalikan nila kasabay nito ay ang balita na sila nga ay mayroon ng anak.
Kilalanin Ang Mga Celebrity Couples Na Nagpatotoo Sa “Love is Sweeter the Second Time Around”
Source: Viral Pinas News





0 Comments