Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Obra Na Likha Ni Heart Evangelista Nakakalula Ang Halaga Na Umabot Ng P149-Milyon

Sa isang one-on-one interview ng batikang news anchor na si Karen Davila sa Kapuso actress na si Heart Evangelista ay isang rebelasyon ang lantaran na ibinahagi nito. Kamakailan nga lamang ay pumasyal at binisita ni Karen Davila ang bahay ng aktres na si Heart Evangelista. At sa naging paglilibot nga niyang ito sa bahay ng aktres, ay ipinakita sa kanyang ni Heart ang mga naipon nitong painting sa mga panahon na tila nga naging koleksyon na niya.

Kapansin-pansin naman na karamihan sa mga obrang likha ng aktres na si Heart Evangelista ay makikitaan ng bulaklak o di kaya naman ay mukha ng babae. Ibinahagi naman ni Heart, na tila trademark na nga niya ang ganitong obra, at ang mga ganito talaga ang mas gusto niyang ipinta.

Samantala, napag-usapan naman nina Karen at Heart kung paano nga ba nagsimula at nahilig sa pagpipinta ang Kapuso actress. Ayon naman kay Heart, ay aksidente lamang niyang matuklasan na siya ay may talento sa pagpipinta.

“Itt was an accident, I just stopped thinking of what I needed for my career. I just started to paint”, ang naging diretsahan ngang pahayag ni Heart. Matatandaan naman na sa ibang mga naging panayam noon kay Heart ay ibinahagi niya na dahil sa kanyang naging hilig sa pagpipinta, ay nakatulong ito upang mabawasan ang anxiety at depression na kanyang nararamdaman.

Dagdag pa ng aktres, naging isa rin ito sa kanyang extra source of income, na naging daan upang hindi niya mabawasan ang kanyang ‘savings’ kapag siya ay bumibili ng mga nais niyang fashion items, kagaya na lamang ng mga designer bags.

“Yes I get… bulk of my money (from painting) especially with bags”, ang naging dagdag na saad pa ni Heart. Sa naging usapan pa ng dalawa, ay naisiwalat rin ni Heart kung magkano ang kanyang kinikita sa pagawa niya ng mga obra, at ito nga umano ay umaabot sa milyong halaga.

Ayon kay Heart, ang set ng kanyang obra na panay mukha ng babae ay umaabot ang halaga sa anim na milyong piso, samantala ang iba naman niyang mga pinta, ay hindi naman baba sa isang milyon ang halaga.

Maliban pa umano sa mga obra na ito ng aktres, ay mayroon pa siyang isang ‘famous painting’ na plano niya umanong gawing digital art na pweding ipagbili bilang isang NFT o non-fungible tken. Ang painting na ito nga ng aktres ay maaring mabili sa pamamagitan ng cryptocurrency, kung saan ang halaga nga nito ay aabot sa tatlong milyong dolyar o kung sa pera ng Pilipinas ay humigit kumulang 149-milyong piso.

Tunay namang nakakalula ang mga presyo ng obra ng aktres, kaya naman hindi na kataka-taka na lahat ng mga bagay na naisin niya lalo na pagdating sa kanyang fashion ay kanyang nabibili, gaano man kamahal ang halaga nito.



Obra Na Likha Ni Heart Evangelista Nakakalula Ang Halaga Na Umabot Ng P149-Milyon
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments