Nakasanayan ng marami na mahaba ang buhok ng singer na si Rico Blanco dahil matagal na nga itong hindi nakapagpapagupit mula ng magkaroon ng krisis kaya naman talagang humaba ng husto ang kanyang buhok. Ngunit nito lamang nakaraan ay naging agaw-pansin ang sikat na singer sa social media matapos na kumalat ang kanyang mga larawan na nagpapakita ng kanyang ‘new look’ dahil sa kanyang bagong hairstyle.
Marami ang talaga namang nakapansin ng mas malinis na tingnan na awra ni Rico Blanco dahil sa kanyang naging pag-gupit ng kanyang mahabang buhok.
Samantala, nito lamang nakaraan sa kanyang ‘latest vlog’ ay ibinahagi ng mahusay na singer kung paano niya ginupitan ang kanyang sarili.
Batid naman ng marami sa atin, na ang kasintahan ngayon ni Rico Blanco ay ang aktres na si Maris Racal, kaya naman bago ang ginawang paggupit ni Rico sa kanyang sarili buhok ay hiningi muna niya ang opinion ng nobya na tinawag pa nga niyang ‘Boss’.
Si Rico ay humingi ng ideya sa kanyang nobyang si Maris kung ano nga ba ang magandang istilo ng buhok na babagay sa kanya, kaya naman ipinakita ng aktres kung ano ang iba’t ibang hairstyle na tingin niya ay babagay sa nobyong singer.
Sa mga ipinakita ngang hairstyle ni Maris kay Rico ay masasabi ngang hindi magiging madali para kay Rico na gayahin ang mga naturang istilo ng gupit ng buhok , dahil DIY ang kanyang gagawin. Sa una nga ay talaga namang nahirapan si Rico sa paggupit sa kanyang sarili, ngunit sa katagalan ay unti-unti na niyang natutunan ang technique para mas maging madali sa kanya ang ginagawa niyang DIY haircut.
Matapos gupitan ang kanyang sarili sa loob ng 45-minuto, at ng makita na ni Rico na maganda ang kinalabasan ng ginawa niyang DIY haircut ay agad niya ngang tinawagan ang nobyang si Maris Racal upang ipakita rito ang kanyang bagong ‘look’ at kung magugustuhan ba nito ang gupit niya.
Hindi naman nabigo si Rico, dahil ng makita nga siya ni Maris ay agad na ‘approved’ sa kanyang nobya ang kanyang new look ngayon dahil sa bago niyang hairstyle. Makikita naman na masaya si Maris sa nakitang bagong hitsura ng nobyong singer, dahil sa mas bumata nga itong tingnan, at mas lumabas ang kagwapuhan ng singer.
Naging kapansin-pansin rin kay Maris, na hindi nito napigilan ang sarili na kiligin ng makita ang mas gwapong nobyo niya ngayon, dahil sa maayos at mas malinis nitong awra gawa ng new hairstyle na nito.
Maging ang mga tagasubaybay ng magkasintahan ay kinilig din sa magkasintahan, at hinahangaan nga ng mga ito ang ginaawang paghingi ng permiso ni Rico sa kanyang nobya ng magiging gupit niya.
“I’ve never heard and seen Rico open and vocal about his love life. Ngayon lang!!!! Ang sweet mop ala Mr. Rico!!!! Soooo kilig with all your videos with Maris. So spontaneous and natural. Halatang nainlove pa more si Madam dahil sa bagong haircut.”
“Sa celeb couple lang ako na ito natutuwa at kinikilig. Ramdam mo yung sincerity at pagiging genuine. No pretensions. Really praying na wedding na ang susunod for you Rico and Maris.”
Maris Racal Hindi Napigil Ang Kilig Ng Makita Ang New Hairstyle Ng Nobyong Si Rico Blanco
Source: Viral Pinas News







0 Comments