Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Catriona Gray Nag-React Sa Naging Mala-Catriona Ni Cassy Legaspi Noong Selebrasyon Ng Halloween

Noong nakalipas na selebrasyon ng Halloween ay marami sa ating mga kilalang celebrity ang nag-transform, kung saan ay suot nga nila ang iba’t ibang mga costumes, depende kung sinong karakter ang kanilang ginagaya.

Si Cassy Legaspi ay isa sa mga aktres na nakiisa sa selebrasyon ng Halloween ngayong taon, at ang kanya ngang naging costume para sa taong ito, ay ang pagiging si Miss Universe 2018 Catriona Gray noong ito ay magwagi sa nasabing prestihiyosong beauty pageant.

Naagaw nga ng pansin ni Cassy ang atensyon ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, matapos nga niyang gayahin ito para sa Halloween. Noong ika-31 ng Oktubre araw ng Linggo, ay sinorpresa ni Cassy ang kanyang mga tagahanga, matapos niyang ibahagi sa kanyang Instagram account ang kanyang napakagandang larawan kung saan ay makikita nga ang naging mala-Catriona niyang awra dahil sa suot niyang ‘Mayon gown” at ear cuff.

“To everyone with a dream, know that your dreams are valid. And on your path, you are never denied and only redirected”, ang naging caption naman ni Cassy sa naturang larawan, kung saan ito nga ay kabilang sa mga naging ‘speech’ ni Catriona noong siya ay mag-final walk sa Miss Universe 2019.

Mababasa naman sa comment box ng post na ito ni Cassy ang naging reaksyon ni Catriona sa kanyang naging mala-Catriona awra para sa Halloween. Maliban sa komento ni Catriona, ay mababasa rin ang iba pang mga komento ng mga kaibigan at katrabaho ni Cassy.

“Okay, Queen!”, ang naging komento ni Catriona, na may kalakip pang heart eyes at red heart emoji.
Hindi naman napigilan ni Cassy ang mamangha ng makita niyang nagkomento sa kanyang IG post ang isa sa mga hinahangaan at tinitingalang bueaty queen sa buong Universe.

“Omg! The Queen herself!!! Thank you so much!”, ang naging sagot ni Cassy sa komento ni Miss Universe Catriona Gray. Si Cassy Legaspi ay ang nag-iisang anak na babae ng mag-asawang Carmina Villaruel at Zoren Lagaspi. Siya ay may kakambal, at ito nga ay si Mavy Legaspi, na pumasok na rin sa mundo ng showbiz.

Matatandaan na noon ay ibinahagi ni Cassy, na isa sa mga pangarap ng kanyang yumao ng lolo na si Lito Legaspis, isang beteranong aktor, ay ang maging isa nga siyang beauty queen sa hinaharap.
“Before kasi yung lolo ko, the dad of my dad, yung dream niya para sa akin is to be a beauty queen sana”, pahayag ni Cassy ng siya ay makapanayam ng PEP.ph.

Dagdag pa niya, “Sasabihin niya, ‘Hmmm ang tangkad mo, ang ganda mo.’ ‘Lolo, okay lang, huwag na, huwag na po.” Heto naman ang naging kasagutan ni Cassy ng tanungin siya kung may plano ba siyang bigyan ng katuparan ang pangarap ng kanyang Lolo para sa kanya.

“Well, parang… hindi pa ako confident pa sa mga ganun. I mean it’s an honor pero… we’ll never know. Bata pa po ako. “So baka, baka next year? Wow! We’ll never know.”
Dagdag pa niya, “You think it’s all beauty-beauty, ganun lang, but it is more than that.”



Catriona Gray Nag-React Sa Naging Mala-Catriona Ni Cassy Legaspi Noong Selebrasyon Ng Halloween
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments