Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Tunghayan Ang Napakagandang ‘Love Story’ Ng Mag-Asawang Beauty Gonzales At Norman Crisologo

Isa sa mga sikat na aktres ngayon sa mundo ng showbiz ay si Beauty Gonzales o sa tunay ngang buhay ay si Christine Marie Beauty Luche Marie Gonzales, isang half Filipina at half Spanish. Sa kanyang naging pagpasok sa showbiz ay matatandaan na ang naging ‘starting point’ niya ay ng maging isa siya sa mga housemate ng ABC-CBN reality show na Pinoy Big Brother.

Nang siya nga ay makalabas na sa PBB house ay dito na nagsimula ang kanyang showbiz career, kung saan siya ay napabilang sa madaming mga proyekto, na humasa pa lalo para maging mahusay siya sa pag-arte.

Ayon sa ilang mga ulat, wala pa man sa showbiz si Beauty Gonzales, ay agaw-pansin na ang kanyang kagandahan. Sa katunayan, isa nga siya sa mga tinaguriang Cebu’s 12 Prettiest Teens at noong taong 2006 pa ay nakoronahan siya bilang Miss Teen Philippines Central Visayas.

Tunay namang kahanga-hanga ang kagandahan ni Beauty, sapagkat taglay niya ang maamong mukha at napakasimpleng personalidad. At dahil nga sa mga katangian na ito ni Beauty, ay nabihag niya ang puso ng businessman at art collector na si Norman Crisologo, na ngayon nga ay kanya ng asawa.

Batid ng publiko na ang dalawa ay mayroong malaking agwat ng edad sa isa’t isa, sa kabila nito ay hindi naman ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan. Naging isyu din noon sa pagmamahalan ng dalawa, ang di umano’y kaya lamang nagustuhan ni Beauty si Norman ay dahil sa yaman nito, ngunit mas lalo ngang pinatunayan ng dalawa na ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa ay wagas at totoo anuman ang paninirang sabihin ng iba.

Ikinasal sina Beauty at Norman noong taong 2016, at ang pagsasama nga nilang mag-asawa ay agad rin namang nabiyayaan ng isang magandang sanggol na babae, at ito nga ay ang kanilang anak na si Olivia.

Ayon sa ulat, ang pagmamahalan nina Beauty at Norman ay nagsimula umano sa isang bookstore kung saan napadaan nga si Norman dito at nahagip ng kanyang mga mata ang kagandahan ni Beauty sa isang naka-display na magazine sa bookstore kung saan ang aktres nga ang cover ng nasabing magazine.

Agad ngang nabighani si Norman sa ganda ng aktres, kaya naman sinabi niya sa kanyang sarili na nais niya itong makilala, at agad nga niyang kinontak ang kaibigang aktres na si Ellen Adarna, upang makakuha siya ng impormasyon patungol kay Beauty Gonzales. Kay Ellen din umano nahingi ni Norman ang numero ni Beauty.

Sa unang pagpapadala nga ni Norman ng mensahe sa aktres ay hindi umano siya nito pinansin, ngunit naging pursigido siya para makausap nga ito at mapansin siya nito. Para nga mapansin ng aktres, ay gumamit ng ibang number si Norman at tinawagan si Beauty, ng makausap na niya ito ay doon na siya nagpakilala at niyaya na nga ito na lumabas, at doon na nga nagsimula ang lahat hanggang sa sila ay magkamabutihan.

Para nga kay Beauty, malaking pagbabago ang naidulot sa kanya ng asawa niyang si Norman. Ito nga umano ang kanyang naging guide, at dito siya natuto na mas pagbutihin pa ang kanyang trabaho bilang isang artista.

Narito nga ang naging pahayag ni Beauty;
“My whole life changed when I met Norman. Maraming nangyari sa career ko. He’s my mentor, he’s my everything.”

“That was one of the biggest changes, na uplift yung career ko when I met him. I’m happy he cape at the right time, he guide me very well kasi we really help each other.”



Tunghayan Ang Napakagandang ‘Love Story’ Ng Mag-Asawang Beauty Gonzales At Norman Crisologo
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments