Kamakailan nga lamang ay nagbakasyon ang aktres na si Yassi Pressman sa tahimik at mala-paraiso isla ng Siargao. Ilan sa mga kanyang mga masasayang karanasan sa isla ay ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagaram account, na ikinaaliw naman ng mga netizens.
Maraming mga netizens ang hinangaan ang aktres, dahil sa ipinakita nitong kasiyahan habang ine-enjoy ang napakasimpleng buhay sa isla ng Siargao. Patunay nito ang ang ibinahaging video ni Yassi sa kanyang Instagram kung saan ay makikita nga kung gaano siya tuwang-tuwa habang naliligo sa poso.
Sa nasabing video nga ay kitang-kita kung gaano ka-enjoy si Yassi habang siya ay nagbabanlaw sa poso, ito nga ay matapos niyang mag-surfing.
Kalakip nga ng video na ito ng aktres, ay ang kanyang caption kung saan ay ipinaabot niya ang kanyang pasasalamat sa mababait na lokal ng Siargao. “Buhay probinsya!!!! The simple things! Salamat po sa mga kapitbahay na pinayagan ako na mag-rinse sa labas ng bahay nila bago umuwi after magsurf! Hihi lablab.”, ang naging saad ng ani Yassi.
Mas naging memorable naman sa aktres ang naging pagbisita niya sa Siargao, dahil sa muli niya ring nakita at nakasama dito ang kanyang kaibigang si Andi Eigenman na batid naman ng lahat na matagal ng nag-settle sa isla kasama ang kanyang fiancée na si Philmar at kanilang mga anak.
Nagbahagi pa nga si Yassi ng larawan kung saan ay makikita naman na kasama niya si Andi at ang tatlong anak nito na sina Ellie, Lilo at Koa. “I love when you see some of your real friends and years go by but everything just feels like yesterday.
“Don’t we look like we’re all sisters lang? LOL. Wuvyu and your beautiful [email protected]”, ang naging caption naman ni Yassi sa larawan.
Maliban pa dito, ay may ilang mga larawan din na ibinahagi si Yassi kung saan makikita naman ang kanyang naging pagpunta sa mga surf camp kasama ang ilang mga local instructor.
Hindi nga lamang surfing ang talagang inenjoy ni Yassi sa kanyang naging bakasyon sa isla, kundi na-enjoy din niya ang paglilibot dito habang nakasakay sa motor, pati na rin ang naging pakikisalamuha niya sa mga simple at mabubuting lokal ng isla.
Sulyapan Ang Naging Napakasayang Bakasyon Ni Yassi Pressman Sa Napakagandang Isla Ng Siargao
Source: Viral Pinas News







0 Comments