Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Hinirang Na Miss Universe Philippines Na Si Beatrice Gomez Isa Na Rin Ngayong Navy Sergeant

Kamakailan nga lamang ay muling umangat ang ganda ng mga Cebuana, ito ay matapos na hirangin bilang Miss Universe Philippines 2020 ang Cebuana beauty na si Beatrice Luigi Gallarde Gomez.
Ipinanganak noong ika-23 ng Pebrero taong 1993 si Beatrice, siya ay isang Filipino model, community development worker, athlete, military sergeant at beauty pageant title holder.

Samantala, matapos nga ang kanyang naging matagumpay na pagkasungkit ng titulo at korona bilang Miss Univere Ph 2021, nito namang nakaraan lamang ay muling nakatanggap ng parangal ang beauty queen, kung saan ay nakataanggap nga siya ng “plaque of recognition” dahil sa kanyang naging “invaluable contributions and accomplishments as a member of PNP Reserve Force.”

Maliban pa dito, ay nai-promote din bilang Sergeant si Beatrice kaya naman labis ang kanyang pasasalamat sa lahat ng magagandang pangyayari na ito sa kanyang buhay.

Ibinahagi naman ng Philippine Navy ang mga larawan kung saan ay makikita ngang tinatanggap ni Miss Universe Ph 2021 Beatrice Luigi ang kanyang “plaque of recognition” at ang parangal sa kanya bilang isang ganap na sergeant. Sa IG post din na ito ng Philippine Navy ay makikita ang kanilang kagalakan para sa naging tagumpay ni Beatrice.

“Miss Universe Philippines 2021 and Navy Reservist Sgt Beatrice Luigi Gomez PN (M)(Res) pays courtesy on the Navy Chief”, caption nga ng larawan. Dagdag pa, “Recently crowned Miss Universe Philippines 2021 and Philippine Navy (PN) reservist, Sgt Beatrice Luigi Gomez paid a courtesy call on the Flag Office command, Vice Adm. Adeluis Bordado, during her visits to the PN headquarters here today, October 12.”

“Navy chief Bordado lauded Sergeant Gomez, on behalf of the organization, whose recent feat also brought honor and pride to the Philippine Marine Corps and the Philippine Navy as a whole.”
Si Beatrice Luigi ay isa sa mga hinirang na Miss Universe Ph na talaga namang umani ng marami paghanga mula sa mga netizens,

ito ay hindi lang dahil sa kanyang ipinamalas na kagandahan at katalinuhan sa panahon ng patimpalak, kundi dahil na rin sa pagpapakatotoo niya sa kanyang sarili ng aminin nga niya sa publiko ang pagiging miyembro niya ng LGBTQ community.



Hinirang Na Miss Universe Philippines Na Si Beatrice Gomez Isa Na Rin Ngayong Navy Sergeant
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments