Kamakailan lamang ay nag-viral sa YouTube ang isang homeless man na kinilalang si Jun Empalmado, ito nga ay dahil sa kanyang naging mahusay na pagkanta ng awiting “Just Once” ni James Ingram.
Dito na nga siya nakilala ni Rey Bayagusa, isang businessman at vlogger na lumapit sa kanya upang siya’y matulungan.
Ang naging pagtulong nga ni Rey sa homeless na si Jun ay naging kakaiba, sapagkat, hindi lang niya ito binigyan ng makakain, kundi pinaliguan rin niya ito at pinagupitan. Maliban pa sa mga ito, ay binilhan niya rin ito ng mga bagong damit.
Noon ngang ika-23 ng Setyembre taon ng kasalukuyan, ay ini-upload ni Rey sa kanyang YouTube channel ang ginawang makeover kay Jun, at dito ay makikita nga ang naging malaking pagbabago sa pisikal na hitsura ng nag-viral na homeless man.
Samantala, noon namang ika-7 ng Oktubre, ay nakausap ng PEP.ph si Rey sa pamamagitan ng Facebook Messenger, at dito na nga niya ikinuwento ang naging pagtulong niya kay Jun, at kung ano ang nag-udyok sa kanya para tulungan ito.
Ayon kay Rey, nagkaroon siya ng interes kay Jun dahil kanyang napag-alaman na pareho sila ng simbahan nito sa Catarman, Northern Samar, at napabilib siya rito ng mapanood nga niya ang naging mahusay na pagkanta nito ng awiting “Just Once.”
Paglalahad nga niya, “Dinala ko si Jun sa kaibigan kong may barber shop. Gupit saka ahit ang gagawin sa kanya. Yung kaibigan kong barbero, marunong ding mag-makeup nang konti.”
“Isa siyang dating mang-aawit. Talagang magaling siyang kumanta.
“Nang malaman ko ang sitwasyon niya ngayon na homeless, isa iyon sa nagpaantig ng damdamin ko.”
Kuwento pa ni Rey, namukhaan niya si Jun ng makita niya itong dumaan sa tindahan nila sa Catarman. Nang bisitahin niya naman umano ang mga kamag-anak nito, ay dito na nga niya napag-alaman na dumanas si Jun ng depression ng masaksihan niya ang pagkamatay ng mga magulang at kapatid niya.
Dagdag pa niya, hindi na nakapag-asawa si Jun dahil nga ito ang umalalay sa mga magulang nito noon. Ayon pa rin sa kanya, 25-taong gulang lamang si Jun ng magsimula itong ma-depress.
Matapos nga ng naging make-over kay Jun, ay dinala niya umano ito sa isang fast-food restaurant para maipa-takeout ng makakain. Matapos nito, para naman malibang si Jun, ay kanya itong dinala sa isang pasyalan sa kanilang lugar, at tsaka sila dumeresto sa isang grocery store kung saan ay kanyang ipinagawa kay Jun ang ‘one-minute challenge’, na kung ano man ang makuha nito sa grocery sa loob ng isang minute ay mapapasakanya na at si Rey ang magbabayad ng lahat.
Ngunit dahil nga kakaunti ang nakuha ni Jun na grocery sa loob ng isang minuti ay dinagdagan pa ito ni Rey ng 20-minutes challenge, para madagdagan pa ang grocery nito na maiuuwi, kagaya ng mga canned goods at biscuits.
Matapos nga nito ay inihatid na ni Rey si Jun sa tahanan ni Fernan Fabrigaras, ang negosyanteng nag-upload ng video ni Jun habang ito’y kumakanta. Kay Fernan na rin iniwan ni Rey ang mga ipinamili niya para kay Jun at ang P5,000 para panggastos nito. Sa kasalukuyan nga ay nanunuluyan si Jun sa tahanan ni Fernan.
Nag-iwan naman ng payo si Rey para sa mga taong bukas-palad na nagbibigay ng tulong sa kapwa;
“Huwag nating bibilangin kung ilan o ano yung naitulong natin. Huwag tayong magsawang tumulong hangga’t meron.
“Sabi nga nila mas maganda na ang tumulong sa ating kapwa na labis na nangangailangan kaysa ibili mo ng mga mamahaling bagay.”
Tingnan Ang Naging Makeover Ng Isang Homeless Na Nag-Trending Online
Source: Viral Pinas News







0 Comments