Ikinagulat ng marami ang naging pag-amin ng celebrity couple na sina Jomari Yllana at Abby Viduya, na mas kilala bilang Priscilla Almeda na silang dalawa ay nagkabalikan na. Matatandaan na bago nga nagtapos ang taong 2019 ay inamin ng dalawa na sila ay magkarelasyon na uli.
Batid naman ng marami na bago pa man ang pagbabalikan ng dalawa, ay nauna ng maibalita ang naging hiwalayan ni Jomari sa kanyang non-showbiz ex-partner na si Joy Reyes. Silang dalawa ay nagkaroon ng dalawang anak na sina Christiano Ayrton at Christiano Fangio.
Matatandaan rin na si Jomri ay dating kasal na Kapuso actress na si Aiko Melendez, kung saan ang kanilang ngang pagsasama ay tumagal ng tatlong taon, simula taong 2000 hangang 2003. Biniyayaan naman sila ng isang anak na lalaki na si Andre Yllana.
Samantala, ibinahagi naman ni Priscilla na si Jomari Yllana ang kanyang ‘first love’. Ayon pa sa kanya, ay masaya siya na sa kabila ng matagal na panahon silang nagkahiwalay at nagkaroon pa nga ng kani-kanilang mga nakarelasyon noon ay muli pa rin silang pinagtagpo at ibinalik ng tadhana sa isa’t isa.
Ilang taon na ring hindi nasisilayan sa telebisyon o anumang mga teleserye si Priscilla, at ang kanya ngang naging huling proyekto noon ay ang seryeng “Sa Puso Ko Iingatan ka” na ipinalabas sa ABS-CBN taong 2001 hanggang 2003 at pinagbidahan nga ng tambalang Piolo Pascual at Judy Ann Santos.
Noon dekada 90 rin ay isa si Priscilla sa mga kilalang aktres na tinaguriang “Syota ng Bayan” dahil sa kanyang paggawa ng mga seksing pelikula.
Sa mga panahong hindi nasisilayan ng publiko si Priscilla ay nasa bansang Canada ang dating aktres, kasama niya roon ang kanyang tatlong anak, kung saa halos 15-taon din silang nanirahan sa nasabing bansa.
Muli namang nagdesisyong magbalik Pilipinas si Priscilla makalipas nga ang ilang taon, itoo at upang ipagpatuloy ang kanyang showbiz career. Pag-amin naman niya, bago pa man siya bumalik sa Pilipinas ay nagkaroon na sila ng komunikasyon ng dating nobyong aktor na si Jomari Yllana.
Taong 2019 ng muling masilayan ng mga manonood sa telebisyon si Prescilla ng siya nga ay mapabilang sa Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.
“We just mutually decided that it’s our time for us to be happy. First l𝔬ve ko si Jom and we are given a chance to finally be together. Jom has always had a special place in my he𝔞rt ever since we were 15. That has never gone away”, pahayag ni Priscilla.
Para naman kay Jomari, si Priscilla ang isa sa mga nagbibigay inspirasyon sa kanya ngayon, lalo na nga’t sa darating na eleksyon sa susunod na taon ay tatakbo siya bilang konsehal ng Paranaque City. Dagdag pa niya, mula ng magkabalikansila, ay marami na siyang nagawang tama sa kanyang buhay.
‘Si Abby, napaka-espesyal niya sa akin. Ang ending kami rin pala. Lucky charm ko siya. Malaking p𝔞salamat ko sa kanya, sa support, sa mga ginagawa ko lalo na sa publ𝔦c serv𝔦ce.’
Jomari Yllana Ibinahagi Na Masaya Ang Kanyang Buhay Pag-Ibig Ngayon Sa Piling Ng Kasintahan
Source: Viral Pinas News





0 Comments