Nito lamang ika-14 ng Oktubre ay ipinagdiwang na ng Eat Bulaga host-comedian na si Joey de Leon ang kanyang ika-74 taong gulang na kaarawan, kung saan isang taon na naman nga ang nadagdag sa kanyang buhay.
Lubos ang kanyang kasiyahan dahil sa panibagong buhay na naman ngang ipinagkaloob sa kanya ng Poong Maykapal, dahilan para patuloy niyang makasama sa buhay ang kanyang pamilya.
Sa espesyal na araw nga na ito sa buhay ni Joey, ay nagkaroon nga silang magpamilya ng selebrasyon sa loob ng kanilang tahanan.
Makikita sa Instagram account ng Eat Bulaga host-comedian ang naging pagbabahagi niya ng mga larawan at video na kuha sa naging selebrasyon ng kanyang pamilya ng kaarawan niya. Makikita ngang ang loob ng kanilang tahanan ay napuno ng mga lobo na may kulay, pilak, ginto, at asul na m
ay iba’t ibang hugis rin.
Nagpaaabot naman si Joey ng kanyang pagmamahal para sa mga dabarkads na patuloy na sumusuporta sa kanya. “Today is my birthday. Ang dami kong balloon kasi nais kong i-express ang pagmamahal ko sa inyo. Sa lahat ng mga dabarkads, I lobo [love] you, I lobo [love] you all very much”, saad ng ani Joey.
Ibinahagi rin ni Joey ang kanyang pasasalamat sa Diyos, sa pagkakaloob nito ng karagdagang buhay sa kanya. Nagbahagi rin siya ng kanyang larawan, kung saan ay makikitang sa kanyang kaarawan ay hindi niya nakalimutan ang magtungo sa simbahan upang dumalo ng misa.
Bumuhos naman ang maraming pagbati para kay Joey mula sa mga taong sumusuporta sa kanya, at mga taong patuloy na nagmamahal sa kanya, halimbawa na lamang ng mga kasamahan niya sa Eat Bulaga at industriya ng showbiz.
Narito nga ang ilan sa mga naging pagbati ng mga malalapit na kaibigan ni Joey sa showbiz;
“Blessed birthday Ninong Joey! Mahal ka namin”, ang naging pagbati ni Pauleen Luna-Sotto.
“Happy birthday!! Halika na biyahe na tayoooo!’, pagbati naman ni Allan K.
“Happy birthday Ninong Joey, love you”, komento naman ng aktres na si Sherelyn Reyes-Tan.
Masaya namang ibinida ni Joey ang kanyang natanggap na bonggang regalo mula sa sikat na painter at sculptor na si Willy Tadeo Layug, kung saan siya nga ay niregaluhan nito ng obra nitong sculpture na ang imahe ay si St. Joseph na buhat-buhat ang batang si Hesus.
Kalakip ng larawan, ay ang pasasalamat niya kay Willy sa napakaganda nitong regalo sa kanyang kaarawan. “Maraming, maraming salamat Willy Tadeo Layug sa napakagandang ipinagkaloob mo sa akin ngayong aking kaarawan!’ “Pagpalain nawa tayo ni San Jose, ng kanyang anak na si Hesus, at ng Inang Maria”, ang naging saad nga ni Joey de Leon.
Sulyapan Ang Naging Pagdiriwang Ng Ika-74 Taong Kaarawan Ni Joey de Leon
Source: Viral Pinas News






0 Comments