Bahagi na ng buhay ng isang artista ang mag-workout, lalo na’t kinakailangan nilang pangalagaan ang kagandahan ng kanilang katawan, na siya ngang hinahangaan sa kanila ng marami nilang mga tagahanga at tagasuporta.
Isa nga sa mga aktres na talaga namang hinahangaan ang pagkakaroon ng fit na pangangatawan ay si Valeen Montenegro. At nito nga lamang nakaraan ay kanyang pina-wow ang mga netizens, ng kanyang ibahagi ang workout na kanyang ginagawa kung saan makikita ngang buhat-buhat niya ang isang barbell.
Sa kanya ngang Instagram account ay nagbahagi ang Kapuso actress ng isang video, kung saan ay makikita ngang buhat niya ang 20kg na barbell ng walang kahirap-hirap.
Ang ipinakita nga na ito ni Valeen na pag-weightlift ng barbell, ay talaga namang kahanga-hanga dahil sinabayan niya pa ito ng kanyang exercise routine na overhead squats. Kitang-kita naman ang magandang postura ni Valeen, habang siya nga ay naka-squat at buhat ang 20kg na barbell.
“When you feel like the weight of the world is on your shoulders… SQUAT!”, ang naging makahulugan ngang caption ni Valeen sa video na kanyang ibinahagi. Marami namang mga netizens ang talagang humanga kay Valeen dahil sa kanyang ipinamalas na lakas at tatag sa pagbuhat ng barbell.
Mababasa naman ang komento ng isang netizens na nagsabing lubos ang naging paghanga niya sa aktres, dahil sa pagsisikap nito na ma-achieve ang nais nitong boy figure. Dagdag pa nito, dahil sa pag-follow niya sa workout session ng aktres ay may nakikita na rin siyang resulta sa ginagawa niyang pag-workout.
“Ms. Valeentawak I do really admire your hard work just to get (a) right future… I started following your workout session since last week and now I see the difference shape specially on my face. Thank you valeentawak, hoping more workout videos you able to share”, ang naging komento nga ng netizens.
Dagdag pa nito, @yangsejones are always here to inspire! Keep it up!!! Eat well too.”
Narito naman ang iba pang mga komento ng mga netizens na bumilib at napa-wow sa pag-workout na ginagawa ni Valeen. “kabahan na Ms Hidilyn Diaz.” “solid! Nakaka-inspire toh!”
“Bakit parang ang gaan sayo?”
“Ung strong na balakang talaga e. Sana all. Ang fit!” Ang aktres na si Valeen Montenegro ay isa sa mga inspirasyon ngayon para sa maraming mga netizens pagdating sa fitness at pagsusulong ng body positivity.
Matatandaan na isa din ang aktres sa mga nakaranas noon sa social media ng body shaming, kung saan ay may ilan ngang mga netizens na nam-bash sa kanya dahil sa pagkakaroon niya ng maliit na hinaharap.
Sa halip naman na magpa-apekto at ikahiya ang kanyang pangangatawan, ay proud at confident pa ngang ibinahagi ni Valeen noong buwan ng Abril ang isa niyang larawan kung saan ay kanyang ibinandera ang kanyang katawan. Ang larawan nga na ito ni Valeen ay nilakipan niya ng caption na, “Flat is the new normal.”
Mge Netizens Hinangaan Ang “Weightlifting Exercise Routine” Ng Aktres Na Si Valeen Montenegro
Source: Viral Pinas News








0 Comments