Sa nakaraang Halloween ay marami ang gumaya sa costume ng patok na Korean series sa Netflix na Squid Game, at isa na nga sa mga celebrity na naki-costume ng tulad sa nasabing palabas ay ang singer na si Darren Espanto.
Para nga sa kanyang Halloween entry ngayong taon, ay nagdamit ng pang-squid game officer si Darren, at dahil nga dito, ay nakuha niya ang atensyon nga Korean actor na si Wi Ha-Joon.
Makikita sa Instagram account ni Darren ang naging pagbabahagi niya ng kanyang larawan na pang-entry nga niya para sa Halloween, kung saan siya ay nagmala-game officer ng Squid Game.
“Officer Hwang Jun-Ho at your service”, ang naging caption niya sa kanyang IG post.
Mababasa naman sa mga komento sa larawan niyang ito, na marami nga sa mga netizens ang nagsabi, na malaki ang kanyang pagkakahawig sa Korean actor na si Wi Ha-Joon.
Kung isa ka sa mga nanood ng Squid Game, marahil ay kilala mo kung sino roon ang naging karakter ni Wi Ha-Joon. Matatandaan na si Wi Ha-Joon ang Korean actor, na gumanap bilang police officer na nag baka sakaling hanapin ang kanyang nawawalang kapatid sa secret island, kung saan nga naganap ang larong Squid Game.
Sa hiwalay na post naman si Darren ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng isang video short clip, kung saan ay kasama niya ang kanyang kapwa aktor na si Robi Domingo, kung saan nakasuot nga ito ng pang player costume. Ginaya naman nga ni Robi ang player 067 sa nasabing pelikula, kung saan ang karakter na ito ay gumanap bilang isa sa mga supporting roles.
Hindi naman inasahan ni Darren na mapapansin ng mismong Korean actor na si Wi Ha-Joon ang kanyang IG post, kung saan ay nagbigay nga ito ng like reactions. Talaga namang masasabi natin na iba ang level ni Darren, dahil sa dinami-dami ng mga gumaya sa costumes ng Squid Game, ay isa siya sa bukod tanging nakakuha ng atensyon ng Korean actor.
Halloween Costume Entry Ni Darren Espanto Nakuha Ang Pansin Ng Squid Game Actor Na Si Wi Ha-Joon
Source: Viral Pinas News





0 Comments