Kamakailan lamang ay isang masayang balita ang ipinaabot ng celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang mga tagahanga. Masaya nilang ibinalitang dalawa ang pagiging engaged na nila, at ang pinaka-ikinasaya nga ng publiko, ay ng kumpirmahin nila na sila ay magiging magulang na sa panganay nilang anak, dahil sa pagdadalang-tao ni Jennylyn.
Sa kanila ngang YouTube channek ay unang ibinahagi ng magkasintahan ang kanilang engagement, kung saan ay mapapanood nga ang naging pag-propose ni Dennis kay Jennylyn sa loob lamang ng kanilang bahay.
Kahit naman naganap ang proposal ng aktor sa loob ng bahay nila ni Jennylyn, ay masasabi pa rin itog isang romantic proposal, sapagkat, sinigurado ni Dennis na magiging memorable ang kaganapan na ito para sa kanila ng kasintahan.
Ibinahagi naman ni Dennis sa kanilang YouTube channel kung bakit mas pinili nga niyang sa loob lamang ng tahanan gawin ang wedding proposal niya para kay Jennylyn. At ayon nga sa aktor, mas mainam ng sa bahay lamang ito ginawa dahil nga sa maselang kalagayan ngayon ng kasintahan.
Samantala, sa programag ’24-Oras’ naman ay nagkaroon ng bago at ekslusibong panayam sina Jennylyn at Dennis, at dito na nga nilang dalawa kinumpirma ang matagal ng usap-usapan na pagdadalang-tao nga ng aktres.
Pagbabahagi ng dalawa, dalawang buwan na ang nakaraan ng malaman nila ang patungkol sa pagbubuntis ni Jennylyn, ngunit ngayon lamang nila ito nagawang isapubliko para masigurado ngang okay ang baby sa sinapupunan ng aktres.
Ayon sa magkasintahan, kasagsagan ng lock-in taping ng pelikulang “Lovem D!e, Repeat” na dapat pagbibidahan ni Jennylyn ng kanilang malaman ang tungkol sa kundisyon n aktres. Ito rin ang naging dahilan kung bakit pansamantalang ipinagpaliban ang nasabing pelikula.
Agad namang bumuhos ang pagbati para sa celebrity couple. Marami sa kanilang mga tagahanga ang nagpahatid ng kasiyahan, para sa magiging bagong kabanata ng pagsasama nilang dalawa, hindi lang bilang nalalapit ng mag-asawa, kundi nalalapit na ring mga magulang sa kanilang 1st baby.
Sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ay matagal na ring magkarelasyon, sa katunayan noon ngang buwan ng Enero ay ipinagdiwang nila ang kanilang ika-7 taong anibersaryo bilang magkasintahan.
Batid naman ng marami,
na maliban sa magiging unang anak ni Jennylyn at Dennis, ay may unang anak na lalaki na ang Kapuso actress sa kanyang dating nobyong si Patrick Garcia, at ito nga ay si Alex Jazz. Si Dennis naman ay may unang anak din, at ito nga ay si Calix Andreas, na ang ina ay ang beauty queen na si Carlene Aguilar.
Sulyapan Ang Makapigil Hiningang Wedding Proposal Ni Dennis Trillo Kay Jennylyn Mercado
Source: Viral Pinas News





0 Comments