Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kris Aquino May Magandang Balita Na Ibinahagi Sa Kanyang Instagram Patungkol Sa Buhay Pag-Ibig

Isa sa mga sikat at kilalang personalidad sa bansa si Kris Aquino. Maliban kasi sa pagiging isa niya TV host at aktres noon, ay kilala rin siya bilang bunsong anak ng dating Presidenteng si Corazon Aquino.
Matagal-tagal na rin ng hindi na lumalabas sa telebisyon si Kris at hindi din siya nagbibigay update patungkol sa kanyang buhay sa social media, kaya naman marami sa kanyang mga tagahanga na malaman ang bagong balita sa buhay niya, lalo na nga sa kanyang buhay pag-ibig.

Kamakailan nga lamang sa kanyang Instagram, ay nagbahagi si Kris ng mensahe para sa mga tagahanga niya, kung saan ay isa ngang magandang balita patungkol sa buhay pag-ibig niya ang kanyang ibinalita.
Unang ipinahayag ng aktres sa kanyang naging IG post ang naging malaking bawas ng kanyang timbang, lalo na nga’t madami ang dumaang pagsubok sa kanilang pamilya, at isa na nga rito ay ang naging pagkamatay ng kapatid niyang si dating President Noynoy.

“And it’s been exactly 4 months since we unexpectedly lost our brother. Sure ako, ayaw niya talagang iwan si ‘bunso’ na walang magbabantay at mag-aalaga na siguradong pinagkakatiwalaan niya.

Somehow, I believe there really was a matchmaker in heaven who must be smiling now – I can almost hear his voice telling me, ‘Kristina, tama na, respect the fact na gusto ni Mel ng tahimik na buhay.’ And finally, bunso has learned to obey.

To my best friend and the man, I said yes to spending the rest of my life, thank you for as Bimb said, loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man. It’s unreal how much calmer & more peaceful I feel now that you’re here.

We would never have met nor connected had it not been for Noy. Thank you, to my Kuya, kahit na wala na siya ramdam na ramdam ko na kahit ilang beses kami nagkatampuhan, kahit kailan gagawa talaga siya ng paraan na ma-assure kami nila kuya josh at bimb kung gaano niya kami kamahal at hindi talaga siya papaya na ma-feel namin na kami ay mapapabayaan. We love you and we miss you.

But THANK YOU, you must have known how broken I’d be to lose you, so you made sure there was someone not only helped wipe away my tears, he’s made it possible for me to smile and laugh again. Dumating nung hindi ko hinahanap o inaasahan – kaya nga tama silang lahat na nagsabi na in God’s perfect time.

We agreed that what’s personal shall remain private so hanggang dito lang ang pwede kong ma-share. Except I guess to say as much as I am proud to be an Aquino, looking forward na akong maging Sarmiento.”, ang naging kabuuan nga na post ni Kris sa kanyang IG.

Base nga sa IG post ni Kris, sa ngayon ay engage na siya sa isang Sarmiento, at tila nga sa naging pagkawala ng Kuya niyang Noynoy, ay ito naman ang naging daan para muling maka-krus niya ng landas ang taong muling magpapasaya sa kanyang buhay.

Hindi naman idenetalye ni Kris ang kabuuan ng patungkol sa buhay pag-ibig niya ngayon, bilang pribado na din sa kanila ng partner niya, ngunit mababakas nga sa mga larawan na kanyang ibinahagi na masaya ang puso niya ngayon.



Kris Aquino May Magandang Balita Na Ibinahagi Sa Kanyang Instagram Patungkol Sa Buhay Pag-Ibig
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments