Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Tingnan Ang Kyut Na Kyut Na Anak Ni Anne Curtis Na Si Baby Dahlia Sa Kanyang Halloween Costume

Noon ngang nakalipas na Halloween ay maraming mga cute celebrity baby ang talaga namang ipinamalas pa lalo ang kanilang taglay na kakyutan habang suot ang kani-kanilang mga Halloween costume na pinili para sa kanila ng kanilang mga magulang.

At isa nga sa mga celebrity baby na labis ang naging kakyutan sa kanyang Halloweec costume noong nakaraang Halloween ay ang napakagandang anak ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heusaff na si Baby Dahlia Amelie.

Labis ngang kinagiliwan ng mga netizens si Baby Dahlia sa kanyang suot na costume noong nakaraang Halloween, kung saan siya nga ay nagmistulang ang kauna-unahang Pinay Olympic Gold medalist na si Hidilyn Diaz, na nasa larangan nga ng weightlifting.

Si baby Dahlia ay talaga namang naging ‘mini me’ ni Hidilyn Diaz noong Halloween dahil sa suot nitong asul na uniform na may nakaukit pa ngang watawat ng Pilipinas. Mas nakumpleto pa nga ang pagiging ‘mini me’ Hidilyn Diaz ni baby Dahlia dahil sa kanyang props na barbell.

Nang mapansin nga ng mga netizens ang barbell props ni baby Dahlia na gawa nga lamang sa paper plates, ay agad nga nila itong pinuri, at ang iba pa nga ay nagbigay pa ng komento kung saan talaga naman umanong pinaghandaan ng mag-asawang Anne at Erwan ang magiging Hidilyn look ng kanilang baby Dahlia para sa Halloween dahil sa kumpletong outfit at props nito.

“Our Gold Medalist!!! [gold medal emoji], ang naging sulat nga ni Anne sa kanyang caption, kalakip ang kyut na kyut na larawan ng kanyang anak na si Baby Dahlia habang naka ‘mini me’ costume bilang si Hidilyn Diaz.

Dagdag pa ni Anne sa kanyang caption, “@hidilyndiaz inspirig the youth that with hardwork and preservance you can achieve your biggest/heaviest dreams.”

Maliban naman sa mga netizens, ay maging mga kapwa celebrity mom ni Anne sa showbiz ay hindi rin napigilan ang purihin ang labis na kakyutan ni baby Dahlia sa kanyang naging Halloween costume. Ilan nga sa mga celerbrity mom na napakomento ay si Sarah Lahbati na nagsabing , “Cuuuuteee [with heart eyes emoji].

Narito pa nga ang ilan sa mga celebrity na pumuri sa kakyutan ni Baby Dahlia.
“Soooo cute Antenita!”, ang komento ni Nico Belzico, ang tito ni Baby Dahlia na asawa nga ng kanyang Tita na si Solenn Heusaff. “SO CUTE”, ang naging komento naman ni Rachel Peters.

Pati nga ang mismong si Olympic Gold Medalist na si Hidilyn Diaz ay napakomento rin sa cute na cute na larawan ni Bbay Dahlia. “Ang cute”, ang naging komento nga niya.

Mas lalo naman marami ang nakyutan kay baby Dahlia, ng ibahagi ng kanyang amang si Erwan Heusaff ang kanyang nakakaaliw na video habang siya ay naka-costume ng mini me Hidilyn at may props pa ngang barbell.



Tingnan Ang Kyut Na Kyut Na Anak Ni Anne Curtis Na Si Baby Dahlia Sa Kanyang Halloween Costume
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments