Matapos na magtambal sa isang short film video sa YouTube nina Jelai Andres at Paul Salas, mga netizens napansin ang pagkakaroon ng chemistry ng dalawa.
Tila nga may panibagong tambalan na mabubuo na magbibigay kilig na naman sa marami, ito nga ay sina Jelai Andres at Paul Salas.
Kamakailan nga lamang ay nagsama ang dalawa sa isang short video film na may pamagat na ‘Sama Ka’, kung saan ang video nga na ito ay para sa Halloween special vlog ni Jelai.
Sa nasabing short film nga na ito, ay ipinamalas ng dalawa ang kanilang husay sa pag-arte, kung saan kasama rin nila si Mika Salamanca, isang vlogger.
Agad namang nagustuhan ng maraming mga netizens ang naturang video, dahil nakahahanga at nakamamangha ang galing sa pagkakagawa ng istorya nito.
Ngunit hindi nga lamang ang ganda ng istorya ang napansin ng mga netizens, dahil naging agaw-pansin rin sa kanila ang maganda at nakakikilig na chemistry sa pagitan nina Jelai at Paul. Marami sa mga netizens ang hindi napigila ng kiligin sa dalawa, at ang ilan pa nga ay nagsasabi na bagay ang mga ito sa isa’t isa.
Marami ang nakababatid na ngayon ay parehong ‘single’ sina Jelai at Paul, kaya naman hindi rin mapigilan ang mga netizens at tagahanga nilang dalawa, ang pag-udyok sa kanila, na sana nga ay maging reel to real ang kanilang tambalan, lalo na nga’t bagay na bagay umano sila.
Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens, na talaga namang kinilig sa dalawa.
“Miloveees! Bkt nmn ganun?! Ung ngiti ko dko alam san aabot sa kilig sa last part.”
“May chemistry kay miloves”
“Hala bagay kayo ni Paul miloves baka siya na ang makapagpapasaya sa puso mo.”
Si Jelai Andres ay isang Filipino actress, YouTuber at Social Media Influencer, siya ay mas nakilala ng publiko sa TV series niya noong taong 2019 na may titulong “One of the Baes”,
samantalang si Paul Salas naman ay isang aktor at modelo na nagkaroon na ng maraming mga proyekto sa telebisyon dahil sa kanyan husay sa pag-arte.
Jelai Andres At Paul Salas Ang Bagong Tambalan Na Nagbibigay Kilig Ngayon Sa Mga Netizens
Source: Viral Pinas News





0 Comments