Noon ngang ika-26 ng Oktubre, araw ng Martes ay nagdiwang na ng kanyang ika-25 taong kaarawan ang aktor na si Ronnie Alonte. At sa espesyal na araw na ito ng kanyang buhay, ay hindi naman nabigo ang kanyang kasintahang si Loisa Andalio na siya ay bigyan ng kasiyahan sa pamamagitan ng isang sorpresang birthday party para sa kanya.
Ibinahagi ni Ronnie sa kanyang Instagram, ang ilang mga kuhang larawan sa naging selebrasyon ng kanyang ika-25 taong gulang na kaarawan, kung saan makikita na ilan sa kanyang malalapit na kaibigan at kapamilya ay dumalo.
“Last Night”, ang naging maikling caption ni Ronnie na may #25 pa. Dagdag pa niya, “Maraming salamat po!” Siyempre hindi rin naan nakalimutang pasalamatan ang kanyang nobyang si Loisa Andalio, na naging punong-abala nga sa surprise birthday party para sa kanya.
“Thank you and I love you, bhe”, ang naging matamis na mensahe nga ng pasasalamat ni Ronnie para kay Loisa. Samantala, maging ang aktres ay nagbahagi rin ng mga larawan na kuha sa kaarawan ng nobyong si Ronnie, at ito ay kanya ngang ibinahagi sa Instagram account niya. Kalakip nito ay ang mensahe ng pagmamahal ni Loisa para kay Ronnie, at ang pagdati niya para sa nobyo.
“About last night”, panimula ng aktres. “Happy birthday @iamr2alonte! I love you!, saad pa niya.
Makikita sa ilang mga larawan sa naging selebrasyon ng kaarawan ni Ronnie, na kabilang nga sa mga naroroon at nakisaya sa dinner party, ay ang mga Hashtags co-member niyang si Zues Collin, Nikko Natividad, Wilbert Ross, and Tom Doromal.
Naroon din sa nasabing selebrasyon si Jackie Gonzaga, ang mainstay ng noontime show na IIt’s Showtime, at maging ang make-up artist na si RB Chanco. Ang magkasintahang sina Ronnie at Loisa ay magli-limang taon ng magkarelasyon ang kanilang ika-5 taong anibersaryo bilang magkasintahan ay ipagdiriwang nilang ngayong buwan ng Nobyembre.
Matagal-tagal rin na walang proyekto ang aktres na si Loisa Andalio at Ronnie Alonte, magmula nga ng mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN network, kasabay pa ang naging pagkakaroon ng krisis, ngunit kamakailan nga lamang ay may lumabas na ulat na ang tambalan ngang “Lonie” nina Loisa at Ronnie,
ay muling bibida sa isang serye ng ABS-CBN na may titulong “Love in 40 Days.” Paniguradong isa na naman ang seryeng ito sa mga aabangan ng maraming mga manonood.
Loisa Andalio Naghanda Ng Isang ‘Surprise Party’ Para Sa Kaarawan Ng Nobyong Si Ronnie Alonte
Source: Viral Pinas News






0 Comments