Si Daniel Padilla, ay isa sa mga popular at sikat na teen actor ngayon ng kanyang henerasyon. Hindi rin maikakaila na maliban sa pagiging isang mahusay na aktor, ay isa rin si Daniel sa mga aktor na may gwapong mukha at karisma na talaga namang hinahangaan sa kanya ng marami.
Batid ng marami sa atin na siya ay mula sa parehong angkan na may magagandang lahi, dahil ang kanyang ama, ay si Rommel Padilla at ang kanyang ina ay si Karla Estrada, na parehong mga kilalang personalidad na industriya ng showbiz.
Samantala, alam niyo ba na isa sa mga half-sister ni Daniel Padilla, ang agaw-pansin ngayo sa social media? Ito ay dahilmababakas sa half-sister
na ito ng teen actor ang taglay nitong karisma, lalo na at napakaganda pa nitong dalaga.
Ang half-sister ngang ito ni Daniel na agaw-pansin ngayon sa social media, ay ang dalagang kapatid niya sa ama, na si Roanna Padilla.
Si Roanna Padilla, ay ang anak ng aktor na si Rommel Padilla, sa non-showbiz wife nito na kinilalang si Anebelle Antonio, na isang half-German at half-fFilipino. Magkaiba man ang ina nina Daniel at Roanna, ay hindi naman ito dahilan upang hind imaging malapit ang magkapatid sa isa’t isa.
Makikita nga sa mga larawan nina Daniel at Roanna, na sila ay malapit, sa kabila ng pagigin half-siblings nila. Maging sa kasintahan ni Daniel na si Kathryn Bernardo, ay malapit rin si Roanna.
Kahit nga ba hindi isang celebrity si Roanna, tulad ng kanyang kapatid na si Daniel,ay popular naman ang naturang dalaga online, lalo na sa Instagram kung saan ay mayroon na itong mahigit 85,000 na mga followers.
Base sa Instagram ni Roanna, ito ay masayang naninirahan ngayon sa bansang Australia, kung saan ay nagtatrabaho rin siya sa nasabing bansa, bilang design consultant.
Mapapansin rin na mahilig, magtravel si Roanna, at maliban pa rito ay madalas din siya sa photo blogging, kung saan ito ay ibinabahagi niya sa kanyang Instagram.
Tunay ngangnasa dugo nina Daniel Padilla, ang pagigng gwapo at magaganda, dahil ang kanyang kapatid na si Roanna Padilla, sa kabila ng hindi nito pagiging isang artista, ay talaga namang artistahin ang taglay nitong ganda at karisma.
Kilalanin Ang Napakagandang Half-Sister Ni Daniel Padilla Na Si Roanna Padilla
Source: Viral Pinas News






0 Comments