Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Isang Estudyante Nabigyan Ng Oportunidad Na Makapag-Aral Sa Isang Unibersidad Sa Amerika Dahil Sa Pagiging Online Gamer

Maraming mga magulang ngayon ang pinagbabawalan ang kanilang mga anak sa pag-gamit ng cellphone o di kaya naman sa paglalaro ng mga online games, ito nga ay dahil para sa kanila ay nakakasagabal ang mga ito sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Ngunit sa kabila nito, ay may ilang mga magulang din naman na at sinusuportahan ang kanilang mga anak sa hilig ng mga itong pag-oonline games, lalo na kung nakikita naman nila na hindi napapabayaan ng anak ang pag-aaral at kung may magandang oportunidad itong naibibigay sa kanilanga nak.

Katulad na nga lamang nito ay ang 20-anyos na gamer na kinilalang si Michael James “Maykel” Gonzales, na dahil nga sa kanyang pagiging online gamer ay nabigyan siya ng pagkakataon na makakuha ng full scholarship Harrisburg University of Science and Technology sa Pennsylvania, USA.

Si Maykel ay naging full varsity scholar sa E-sports program na “first-and-only varsity sports” na inaalok ang nasabing unibersidad, kung saan ay HU Storm ang tawag nila sa kanilang esports varsity team.
Isang organized competitive video game ang esports o kilala rin bilang e-Sports, egames o electronic sports. Ang Harrisburg University ay nagbibigay ng full tuition scholarship at housing allowance sa 22 esports players.

Samantala, ayon nga kay Maykel, 11-anyos lamang siya ng matuto siyang maglaro ng online games, kagaya na lamang ng mga sikat na laro online na Dota at League of Legends. Pag-amin niya suki umano talaga siya ng nga computer shops noon dahil talagang maraming oras ang iginugugol niya sa paglalaro ng online games.

Nang makapanayam nga si Maykel ng GMA news noon lamang ika-25 ng Agosto taong 2021 ay inilahad ng binata kung paano nakatulong sa pagbayad niya ng matrikula ang kanyang pagiging isang online gamer.

“Meron po kasing mga maliit na tournament lang. Dahil sa mga tournaments na ‘yon nakakapag-ipon din ako ng paunti-unti”, ani Maykel. Pagbabahagi pa niya, ang pagiging isa nga niyang online gamer ang naging susi upang mabigyan siya ng oportunidad na maging isang iskolar at makapag-aral sa magandang paaralan sa ibang bansa.

Samantala, ikinuwento rin ni Maykel sa GMA news kung paano niya nalaman ang tungkol sa HU offer, at ayon nga sa kanya ito ay kanyang nalaman ng mag-post ng tryouts via Twitter.
“Kilala po yung school na yun bilang nagde-develop ng esports sa kanilang program. Nagpost sila sa kanilang Twitter for tryouts and nag-apply po ako doon.

Tapos nung ano na, nagsend lang kami ng mga videos ng paglalaro namin. Tapos ako naman po ‘yung natanggap”, kuwento ni Maykel. Super saya naman umano ng mga magulang ni Maykel ng malaman ang oportunidad na dumating sa kanilang anak, at todo suporta nga ang mga ito kay Maykel.


Post a Comment

0 Comments