Sa kanyang social media account ay nagbahagi ang tanyag na Kapuso star na si Maine Mendoza ng kanyang mga larawan na talaga namag “good vibes” ang naging hatid para sa kanyang maraming mga tagahanga.
Tila naman talagang napakaganda ng aktres ang “news feed” ng kanyang mga tagasubaybay at tagahanga, dahil sa makikita ang kanyang naging madalas na pagbabahagi ng mga nag-gagandahan niyang larawan.
Halimbawa na nga lamang nito ay ang naging pagbabahagi niya sa kanyang latest post ng mga ‘selfie photo” niya kung saan ay makikita at hahangaan ang kanyang napakagandang mukha.
Noon nga lamang ika-13 ng Agosto ay nagbahagi si Maine sa kanyang Instagram account ng kanyang dalawang larawan, kung saan ito ay kanyang selfie photo na may caption na “occational selfie snaps”.
Talaga namang shinow-off ng Kapuso star sa dalawang larawan niya na ito ang feature ng kanyang magandang hitsura. Ang isang selfie photo naman ni Maine na ibinahagi ay kuha sa parte ng kanilang bahay na may magandang lightning kaya naman mas lalo ngang na-appreciate at nasaksihan sa larawan ang kanyang natural na ganda, lalo pa’t sa mukha niya mismo naka-pokus ang kamera.
Makikita nga sa unang selfie photo ni Maine na siya ay naka-poker face, samantala sa kanyang ikalawang selfie picture naman siya ay mayroong napakaganda at malaking ngiti.
Inulan ng libo-libong reaksyon na “likes” ang post na ito ni Maine, at sa comment section ay mababasa naman kung gaano na-appreciate ng mga netizens at iba niyang kapwa artista ang kanyang taglay na natural na kagandahan.
Samantala, sa iba post ni Maine ay makikita pa nga ang iba pa niyang nag-gagandahang selfie phot, kagaya na lamang ng kanyang naging mirror selfie na may caption na “random mirror selfie coz its #avavaihansaturdays at work lolz.” Ayon sa ulat, ang larawan na ito ni Maine ay kuha habang siya ay nasa trabaho sa kanyang kinabibilangang noontime show sa GMA-7 na Eat Bulaga.
Kilala si Maine Mendoza ng publiko bilang isa sa mga tanyag na bituin ng GMA-7 network. Taong 2015 ng magsimulang mamayagpag ang kanyang karera sa mundo ng showbusiness ng makilala siya bilang si “Yaya Dub”.






0 Comments