Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sulyapan Ang Masayang Pamilya Ng Napakaganda At Seksing Aktres Na Si Regine Tolentino

Tunay namang sa lahat ng pinagdadaanan natin sa ating buhay, ay ang ating pamilya ang isa sa mga pinanghuhugutan natin ng kalakasan upang patuloy na lumaban sa hamon ng buhay. At tunay rin na isa sa mga mahahalagang bagay sa mundo na ating iniingatan sa ating buhay ay ang ating pamilya.

Samantala, ang maganda at seksing aktres na si Regine Tolentino ay talaga namang labis ang kasiyahan sa pamilya na mayroon siya ngayon, ito nga ay mababakas sa pinaka-latest IG post niya kung saan ay buong pagmamalaki niyang ibinahagi ang napakasayang family photo ng kanyang pamilya.
“When we have each other, we have everything.

Batid natin na ngayong tayong lahat ay dumaraan sa napakatinding krisis na dulot ng krisis, ay napakalahaga nga na mas sulitin natin ang bawat araw na kasama natin ang ating pamilya.

Makikita sa ibinahaging larawan ni Regine na kasama niya ang kanyang tatlong anak na babae, na sina Reigne, Reigen, at Rosie. Hindi rin naman nawala sa family photo nila ang present partner ngayon ng aktres na si Dondi Narciso na siya ngang tumatayo bilang ang haligi ng pamilya.

Si Regine Tolentino ay isa sa mga kilalang aktres-TV host sa industriya ng showbiz, maliban dito ay isa rin siyang fasion designer at entrepreneur.

Sa tatlong anak ng aktres ay panganay si Reigne na nasa edad 21 na ngayon at edad 19 naman ang pangalawang si Reigen. Silang dalawa ay parehong anak ng aktres sa dati niyang asawa na si Lander Vera Perez.

Ang bunsong anak naman ni Regine na si Rosie ay isinilang lamang ng aktres noong buwan ng Marso taong 2020 na halos kasagsagan na nga ng krisis, at ang ama nga nito ay ang partner niya ngayon sa buhay na si Dondi.

Aminado naman ang aktres, na sa naging pagsilang niya sa bunsong anak na si Rosie ay nag-back to zero siya sa pag-aalaga ng sanggol, ito ay sa kabila ng hindi na siya isang first time mommy. Ito nga ay dahil sa malaki ang pagkakaiba ng kanyang naging karanasan ng isilang niya ang mga anak niyang sina Reigne at Reigen na halos dalawang dekada na nga rin ang lumipas.

Nito nga lamang ika-8 ng Setyembre ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Regine, at ito nga ang ikalawang beses na nagdiwang siya ng kaarawan na nararanasan pa rin natin ang quarantine dahil sa patuloy na krisis sa ating bansa.

Kahit naman quarantine birthday pa rin ang aktres, ay masaya naman niyang ipinagdiwang ang kaarawan dahil kasama niya ang kanyang pamilya at nagsalo-salo sila sa simpleng handa niya sa kanyang kaarawan.


Post a Comment

0 Comments