Napakarami na nga namang mga Pinoy ngayon ang naaliw sa panonood ng mga vlogs, ito ay dahil sa puno ng inspirasyon at nagbibigay kasiyahan na mga video na ibinabahagi ng mga popular vlogger ngayon. Sa panahon ngayon ay talaga namang halos napakarami ng mga indibidwal ang pinapasok ang pagba-vlog, dahil maliban sa nakakapagbigay ka ng aliw sa mga manonood mo ay kumikita ka pa.
At isa nga sa mga pinakasikat na vlogger ngayon ay ang aktres na si Donnalyn Bartolome, kung saan dahil sa mga magagandang ‘content’ ng kanyang vlog ay marami ang talagang nanonood nito ay sumusubaybay sa mga bagong video na kanyang ilalabas.
Nito nga lamang nakaraan, ay may masayang balita naman ang actress-vlogger sa kanyang mga tagasubaybay, at ito nga ay ang hindi niya inaasahan na mas lalo pang pagdami ng kanyang mga followers sa kanyang Facebook account.
Malaki ang pasasalamat ni Donnalyn sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanya, at patuloy din ang kanyng walang sawang pasasalamat sa Poong Maykapal, dahil alam niya na lahat ng biyaya na kanyang natatanggap ngayon ay mula sa itaas.
“14 Million Facebook followers, imbis na mabawasan nadadagdagan. Ganito pala kapag kakampi mo si Papa God. It’s true, He see’s it all. From Instagram to YT, he gave me more angels that is all of YOU! He not only gave me supporters, He filtered them with kind, understanding human beings”, ang naging pagbabahagi ni Donnalyn sa kanyang IG post.
Dagdag pa niya, “So let your heart change the world. Don’t let the world change your heart.”
Tunay namang inspirasyon ang hatid ng katagang binitawan ni Donnalyn, dahil mas mainam na anuman ang maging pagsubok o tagumpay na ating maranasan sa ating mga buhay ay huwag nating hayaan na baguhin tayo nito, kundi ito ang gawin nating daan upang mas magbigay ng ikabubuting pagbabago para sa lahat.
Makikita naman sa mga larawan na ibinahagi ni Donnalyn ang kanyang kasiyahan ngayon na ramdam niya ang patuloy na pagtangkilik sa kanya ng maraming netizens. Sa larawan nga na kanyang ibinahagi ay masisilayan ang kanyang napakagandang ngiti habang hawak-hawak ang dalawang lobo na numerong 1 at 4 na nangangahulugan ng pagkakaroon niya ng 14-milyong mga followers sa kanyang Facebook.






0 Comments