Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Napaka-Cute Na Baby Boy Ng Mag-Asawang Coleen At Billy Nagdiwang Ng Ika-1 Taong Gulang

Parang kailan lamang ng isinilang ng actress na si Coleen Garcia ang panganay na anak nila ng asawa niyang si Billy Crawford na si baby Amari sa prosesong water birth delivery. Hindi lingid sa kaalaman ng marami sa atin na hindi pangkaraniwan ang panganganak noon ni Coleen sa kanyang baby na si Amari, kaya naman talagang umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

At sa mabilis na paglipas ng araw at taon, sinong mag-aakala na ngayon ay isang taong gulang na nga ang anak nina Coleen at Billy na si baby Amari? Simula pa lamang isilang ni Coleen si baby Amari ay naging bukas na sa publiko ang aktres ng kanyang motherhood journey, kung saan ay madalas nga niyang ibinabahagi ang mga pagkakataon na inaalagaan niya ang kanyang anak.

Hindi naman maitatago na bilang mga magulang, ay labis na kasiyahan ang nadarama nina Coleen at Billy dahil talaga namang kagilow-giliw ang kanilang unico hijo na si baby Amari.

Sa social media accout ng mag-asawa ay madalas nilang ibinabahagi ang nga cute na chte at kagiliw-giliw na larawan at video ni baby Amari. Agad namang mapapansin sa mga larawan at video na ngayon ay talaga namang napakalaki na ni Amari at tila aktibo na itomv bata dahil sa mga ipinamalas na kakulitan nito.

Samantala, kamakailan lamang ng mgbahagi si Coleen sa kanyang IG account ng nga larawan nilang magpamilya, kung saan ito nga ay tila naging photoshoot nila para sa nalalapit na kaarawan ng kanilang unico hijo na si Amari. Kitang-kita nga sa larawan nila kung gaano sila kasaya bilang isang pamilya, at tila naman hindi na maitago pa ang excitement nila para sa nalalapit na kaarawan ni baby Amari.

“Nice and Cozy #AmariTurnsOne ang naging saad ni Coleen sa kanyang caption sa IG post niya.
Ilang mga larawan pa nga ang ibinahagi ni Coleen kung saan ay makikita naman kung gaano kasaya ang kanilang munting pamilya.

Sa Family pic nilang mag-anak ay makikita din naman ang alaga nina Coleen at Billy na aso na napaka-kyut at talagang hindi nagpahuli sa pag-pose ng kinukuhaan na sila ng larawan.
Ipinagdiwang ni Baby Amari ang kanyang unang taong kaarawan noong ika-10 ng Setyembre, kung saan isang simple ngunit masayang pagdiriwang nga ang inihanda ng kanyang mga magulang.


Post a Comment

0 Comments