Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kilalanin Si Anok Yai Mula Sa Southern Sudan Ang Tiguriang “The Most Beautiful Woman And Most Expensive Model” Sa Buong Mundo

Isa sa mga diskriminasyon na ng nagdudulot ng hindi pagkakaroon ng mabuting ugnayan ng mga tao ay ang tinatawag na “racism”. Ito ang dahilan kung bakit madalas ay nagkakaroon ng sigalot, na nagiging dahilan upang magkaroon ng hindi tamang pagtingin ang isang tao sa kanyang kapwa.

Sa mundong ating ginagalawan, ay talaga namang may mga tao na ang tingin sa kanilang sarili ay hindi magandang nilalang. Halimbawa na lamang nito ay ang mga ibang lahi na may itim na balat, kung saan ay sila ang madalas na nakararanas ng diskrimansyon mula sa mga tao sa lipunan dahil nga sa kanilang kulay.

Ngunit ngayon nga sa ating modernong panahon, kung saan mas nagkaroon na ng reyalisasyon ang mga tao ay nakita na nga ng mga ito ng kagandahan na taglay ng isang tao na may maitim na balat. Kagaya na nga lamang nito ang isang babae mula sa Southern Sudan, na sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng itim na balat ay tinagurian naman siya ngayon na pinakamagandang babae sa mundo.

Si Anok Yai ang babaeng tinutukoy na may itim na balat ngunit taglay ang kaakit-akit na kagandahan. Kamakailan lamang ng mag-viral sa social media ang kanyang mga larawan, ito nga ay matapos siyang tanghalin sa buong mundo bilang “The Most Beautiful Woman and Most Expensive Model”.

Kahit nga maitim ang kulay ng balat ni Anok ay nagtataglay siya ng kakaibang ganda, kaya naman siya’y naging isang modelo na kinukuha ng maraming mga endorsement company. Ayon sa ilang mga ulat, si Anok Yai ay may pinakamahal na “fasion photography”, kung saan sa loob lamang ng isang oras niyang pictorial ay may halaga na ito na $15,000.

Ang nag-viral na larawan ni Anok Yai ay ibinahagi ng kanyang photographer, at dahil sa pagkakaroon niya ng napakagandang mukha ay agad naman siyang kinuha ng New York Top Modelling Agency.
Talaga namang isang malaking oportunidad ang nagbukas para kay Anok, kaya naman ito nga ay hindi niya pinalampas at agad na pumirma ng kontrata.

Samantala, sa kasalukuyan ay isa ngayon si Anok sa mga spokesperson ng top brand cosmetics ang Estee Lauder.

Pinatunayan lamang ni Anok Yai na anuman ang kanyang kulay at sa kabila nga ng kanyang pagkakaroon ng “racial color” na balat ay hindi ito hadlang upang hindi makita ng buong mundo ang kanyang taglay na kagandahan.


Post a Comment

0 Comments