Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sulyapan Ang Rest House Ng Mag-Asawang Neri Naig At Chito Miranda Na Binuksan Sa Publiko At Matatagpuan Sa Alfonso Cavite

Matatandaan na noong buwan ng Oktubre taong 2017 ng magbigay pasilip ang celebrity momprenuer na si Neri Naig sa bago niyang business venture, kung saan ito nga ay ang resthouse na kanyang naipundar sa Alfonso, Cavite.

Sa paglipas ng panahon ay mas lalo pa ngang napaganda ni Neri at mister niyang si Chito ang kanilang resthouse, at noon ngang nakaraang taon kung saan mas maayos na ang lugar ay doon na nga ipinagdiwang ang ika-4 taong gulang na kaarawan ng kanilang anak na si Alfonso ‘Miggy” Miranda III na may tema ngang ‘Call of Duty’.

At nito nga lamang ay may panibagong naging update sina Chito at Neri para sa kanilang nakakarelaks na resthouse, at ito nga ay ang handa na umano nilang ipa-rent ang lugar.
Sa Instagram ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ay kanyang ibinahagi ang ilang mga detalye ng kanilang resthouse at ang magiging rental fee nito.

“We have a total of 4 rooms. 2 master sooms (na good for 2 to 4), and 2 barkada rooms (na good for 4 to 6)” “Pwede kayo mag-rent ng isang room for P5000, or pwede nyo din i-rent yung all 4 rooms for P20k para walang ibang guests kundi kayo, at para wala kayong kahati sa pool haha!

“(Pero minsan ok din na may ibang guests kung di nyo kukunin lahat ng rooms…malay nyo maging friends nyo yung barkada nila) “Pwede nyo din i-rent yung pavilion namin for P30k, for your parties: kasal, binyag, debut, or kahit anong trip nyo.

“You could rent the entire place, including the pavilion/events place for P50k.”
Maliban pa rito ay nagbigay rin ng mahalagang paalala si Chito sa mga magpaplano na rentahan ang kanilang resthouse.

“But please, please, please, keep in mind na resthouse talaga namin ito, and nagse-stay talaga kami dito to relax pag walang work…so please take care of our resthouse, tulad ng pag-alaga namin, if ever maki-stay kayo.”

Paalala nga ni Chito sa mga magre-rent ng resthouse nila ay ingatan ito at panatilihin na malinis ito. Dagdag pa niya, kung paano sana nila alagaan ang kanilang resthouse ay ganundin ang mga nais mag-renta dito.

Ang napakaganda ngang resthouse ng mag-asawang Neri at Chito Miranda ay maaring gamitin para sa iba’t ibang mga okasyon, kagaya na lamang ng wedding, birthday at kahit pa sa mga nais mag-staycation.


Post a Comment

0 Comments