Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Mark Herras Iniharap Na Sa Altar Ang Kanyang Fiancée Na Si Nicole Donesa

Matatandaana buwan ng Hunyo noong nakaraang taong 2020 ng ma-enaged ang tinitingalang bituin sa “dance floor” na si Mark Herras sa kasintahan niyang si Nicole Donesa. Makalipas naman ang ilang buwan ay dumating na naman sa buhay ng dalawa ang kanilang anak na si Baby Corky, na isinilang nga ni Nicole nung buwan ng Pebrero taon ng kasalukuyan.

Isa naman sa talagang inaabangan ng publiko ay ang magiging pag-iisang dibdib ni Mark at Nicole. At nito nga lamang nakaraang ika-8 ng Setyembre 2021 ay nangyari na ang hinihintay ng marami, matapos ngang maganap ang simpleng wedding ceremony nina Nicole at Mark na ginanap sa Quezon City.
Sa ulat ay napag-alaman na si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nagkasal kina Nicole Donesa at Mark Herras.

“We tied the knot on Mama Mary’s birthday”, ang naging saad ni Nicole sa kanyang post.
Sa post naman ni Mark sa kanyang social media ay makikita ang “Got married”, sabay tawag na “Mrs. Herras” kay Nicole.

Samantala, nabanggit din ni Nicole sa kanyang post na balang araw ay darating din ang panahon na matutupad ang pangarap nila na maikasal sa simbahan. Sa kabila ng hindi niya pa alam kung kailan mangyayari ito, sinigurado naman niya na ito ay mangyayari sa tamang panahon.
“We’re saving the big celebreation for the Church wedding. We just don’t know when. It will happen” ani Nicole.

Bagama ‘t ang nais talaga nina Mark at Nicole ay sa magarbong kasal sa simbahan maganap ang kanilang pag-iisang dibdib, dahil naman sa pagkakaroon nga ng [email protected] ay mas minabuti nila na maging simple na muna ito. Ang tanging mahala naman sa ngayon ay naikasal na ang dalawa, at legal na ang kanilang pagsasama sa harap ng Diyos at ng tao, at masasabi nga na isa na silang buong pamilya kasama ang kanilang anak na si Corky.

Agad namang bumuhos ang maraming pagbati para sa newly wed couple, at ang mga netizens ay nagpakita rin ng suporta para sa bagong kasal. “So plain and humble. Congratulations!”
“Kesa magsanaAll mamasko na lang ako pero Congrats best wishes”

“Congratz Mark and wifey … dapat talaga practical na ngayon ang pagpapakasal… kasi yung ibang pera magagamit pa sa pangkabuhayan.” “Congrats po lodi Mark Best wishes sa inyo! Wow simple lang pero happy, congrats po sa inyo.” Kinabiliban ng marami ang pagiging simple ng kasal nina Mark at Nicole.


Post a Comment

0 Comments