Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Gretchen Ho Walang Pinapalampas Na Opportunity At Kumuha Ng Short Course Sa Harvard University

Hindi man aktres, ay nakilala pa rin si Gretchen Ho bilang isang mahusay na journalist at athlete sa mundo ng showbiz. Ngunit kahit maganda ang takbo ng karera niya ay hindi pa rin siya tumitigil na maghanap ng oportunidad na mas makakadagdag sa kanyang kaalaman at makakatulong sa kanyang karera.

Tunay ngang walang pinapalampas na oportunidad si Gretchen Ho upang madagdagan ang kanyang kaalaman sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Kamakailan nga lamang ay lumipad si Gretchen patungo sa US, kung saan ayon sa kanyanb naging pag-a-update sa buhay niya doon, kagaya na lamang ng pagiging edtudyante niya sa Harvard Business School, isa sa mga prestihiyosong school sa buong mundo.

Makikita sa Instagram account ni Gretchen noong ika-10 ng Disyembre, araw ng Biyernes ang pagbabahagi njya ng mga naging karanasan niya sa naging pag-aaral niya ng short course ng “The Business of Entertainment, Media and Sports.”

Pagbabahagi ni Gretchen sa loob ng apat na araw ay naging abala siya at talaga namang marami siyang natutunan na batid niyang maibabaon niya sa kanyang buhay.
“The past days have been such a whirlwind. We studied 10 cases in 3 full days, with different accomplished, experienced minds pitching in – from the NBA,MLB, NFL, FIFA, Facebook, Instagram,

Twitter, Youtube, the field of news, tech, music, streaming, gaming, A.R, A.I, sports marketing, talent management, advertising, financial investing and more ++”, paglalahad ni Gretchen sa kanyang IG post.
Dagdag na pagbabahagi pa nga niya, “It was a great hearing from people who were actually there (or sometimes found themselves right in the middle of cases). Even greater hearing everyone pitch in their points-of-view from different sides of the history.”

Taong 2019 ng unang mabalitaan ni Gretchen ang naging offer na ito ng Harvard na short course na ito, kung kaya malaki ang pasasalamat niya dahil talagang malaking tulong ito lalo na sa mga kapwa niya atletes na nagnanais din pumasok sa ibanv larangan.

Ibinahagi rin ni Gretchen na hindi niya naiwasan na mapansin kung gaano naiiwanan ang ating bansang Pilipinas sa maraming area. Ngunit sa kabila nito, ay proud naman siya na madamj siyang natutunan ay may baon siyang kaalaman mula sa pinasukan niyang kurso.



Gretchen Ho Walang Pinapalampas Na Opportunity At Kumuha Ng Short Course Sa Harvard University
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments