Si Jodi Sta. Maria ay isa sa mga kinikilala at sikat na aktres sa mundo ng showbiz. Pagdating sa larangan ng pag-arte ay talaga namang kabibiliban siya at hindi maitatanggi ang taglay niyang husay at galing.
Nagsimula si Jodi sa pag-aartista noong siya ay teenager pa lamang at ngayon na siya ay 39-taong gulang na ay nanatili pa rin ngang makinang ang kanyang pangalan sa mundo ng showbiz, sa kabila ng maraming bagong artista ang umuusbong at nakikilala sa nasabing larangan. Nasa rurok pa rin ng ang kanyang karera bilang artsita, ito ay dahil tunay na walang makakapantay sa galing ng nag-iisang Jodi Sta. Maria.
Sa ngayon na ay may panibagong teleserye ang aktres na talaga namang inaabangan na ng lahat, at ito nga ay pinamagatang “Tha Broken Vow Marriage”. Makakasama niya sa teleseryeng ito ang ilan din sa mga mahuhusay na artista, tulad nina Sue Ramirez, Zanjoe Marudo at iba pa.
Dahil sa kanyang bagong pagbibidahang teleserye ay naging puspusan na naman nga ang pagtatrabaho ni Jodi, kung kaya naman ng magkaroon ng pagkakataon na makapagrelaks at makapagpahinga, ay minabuti ng aktres na magtungo sa isang magandang probinsya upang sumubok ng iba’t ibang mga adventures at makapag-enjoy ng husto.
Matatandaan na buwan ng Pebrero noong nakaraang taong 2021, ng simulan ni Jodi ang sumubok ng iba’t ibang mga bagay na batid niyang mai-enjoy niya. Tulad na lamang nga ng naging pag-i-enjoy niya sa ginawa niyang trekking sa Inti Punku, Peru nang bumisita siya sa lugar. Na-enjoy din niya ang makapag-swimming sa ipinagmamalaking ‘subterranean water’ ng Mexico.
Minsan ding nagbahagi si Jodi sa kanyang Instagram account ng mga larawan ng iba’t ibang adventurous sports na kanyang ginawa, kagaya na lamang ng pag off-roading niya sa Rizal, pag-zipline niya sa Bataan at ang naging pag-scuba diving niya sa Boracay.
Samantala, noon lamang ika-7 ng Disyembre, araw ng Martes ay nagtungo naman si Jodi sa probinsya ng Antique kasama ang nag-iisa niyang anak na si Thirdy. At sa naging pagbisita nga nilang mag-ina sa nasabing probinsya ay talaga naman hindi pa rin nagpa-awat ang aktres at sumubok din ng mga adventure na maari niyang gawin doon, kagaya na lamang ng pag-white water river tubing.
Sa kabila nga ng pagragasa ng tubig sa ilog, ay kitang-kita naman sa mag-inang Jodi at Thirdy na nag-enjoy sila sa adventure na ito na kanilang ginawa.
“Caption this
Magandang Umaga
Kruhay Antique! [red heart emoji]”, ang naging saad ni Jodi sa caption ng IG post niya kalakip ang larawan ng naging adventure nila ng anak na si Thirdy sa Antique.
Makikita din sa iba pang larawan na ibinahagi ng aktres ang magkahalong takot, saya at excitement ang naging dulot ng thrill sa panibagong adventure na sinubukan niya sa nasabing probinsya.
Kahit nga napaka-abala ni Jodi sa kanyang trabaho bilang isang mahusay na aktres, ay talaga namang nagagawa pa rin niyang makapaglaan ng oras na makapag-bonding sila ng anak niyang si Thirdy.
Jodi Sta. Maria Ipinakita Ulit Ang kanyang Pagiging Isang Adventurous
Source: Viral Pinas News




0 Comments