Hindi lamang isa, kundi dalawang beses nagsumpaan ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa sina Ritz Azul at Allan Gu, ito nga ay dahil sa ikalawang pagkakataon ay nagpakasal silang muli.
Isa sa mga magagandang aktres ng kanyang henerasyon sa mundo ng showbiz si Ritz Azul, kung kaya naman hindi na bago sa pandinig ng marami ang kanyang pangalan.
Hindi rin maikakaila na tumatak din ang kanyang pangalan sa madla, dahil sa kanyang husay at galing pagdating sa pag-arte kung saan ay nahahaplos niya sa bawat karakter na kanyang ginagampanan ang puso ng mga manonood.
Dahil isa sa mga popular na aktres, ay marami ang sumusubaybay na mga tagahanga sa kanya, ngunit sa kabila nito, ay nasorpresa pa rin ang mga tagahanga niya ng lumabas nga sa mga ulat na siya ay ikinasal na sa kanyang fiancée na si Allan Guy.
Tila nga naging pribado ang pagpapakasal ni Ritz, dahil iilan lamang nga sa kanyang mga kapwa celebrities ang nakakaalam, kung saan ito ay ang malalapit lamang niya na kaibigan sa industriya. Talagang walang ka-clue clue ang kanyang mga tagahanga na siya ay ikakasal na, ito nga ay dahil sa pagiging low-key ng aktres pagdating sa kanyang buhay pag-ibig.
Sa unang ulat na lumabas ay naiulat na ikinasal nga si Ritz at Allan sa Baguio, na ikinasopresa nga ng maraming tagahanga ng aktres. Ngunit sa kabila ng hindi pa nga nakakarecover ang mga ito sa gulat na ibinagay ng aktres dahil sa naging pagpapakasal nito sa kanyang fiancée sa Alphaland Baguio Mountain Lodges ay muli na naman ngang sinorpresa ni Ritz ang kanyang mga tagahanga ng muli silang ikasal ni Allan sa Coron, Palawan.
Ipinaliwanag naman ni Ritz kung bakit dalawang beses silang ikinasal ni Allan, at ayon nga sa kanya una silang nagpakasal sa Baguio at ang ikalawa ay sa Palawan, dahil sa ayaw nilang ilagay sa kapahamakan ang kalusugan ng kani-kanilang pamilya lalo pa nga’t magpahanggang ngayon ay may kumakalat pa rin sa ating bansa ang nakakahawang karamdaman.
Ayon nga sa aktres, ang naging kasal nila sa Baguio ay isang kasal na talaga namang puno ng romansa, at ang nasa Palawan naman na kanilang pagpapakasal ay isang simpleng selebrasyon na lamang kaya naman sa beach na din nila ito naisipan gawin kasama ang ilang kapamilya at kaibigan.
“If it’s so romantic and intimate in Baguio, we want It to be casual this time around. Its just a celebration of our union”, naging pahayag ni Ritz.
Dalawang Beses Nagpakasal Ang Mag Asawang Ritz Azul At Allan Guy
Source: Viral Pinas News







0 Comments