Halos lahat nga naman tayo ay masayang sinalubong ang unang araw ng taong 2022 o ang New year noong ika-1 ng Enero. Ngunit may mas dumoble ang kasiyahan na nararamdaman ng araw na iyon, ito ay walang iba kundi ang mga masisipag na kasambahay ni Toni Fowler, matapos makatanggap ng sorpresa mula sa kanilang among vlogger.
Kasama ang kanyang pamilya ng ipagdiwang ng vlogger at content creator na si Toni Fowler ang Bagong Taong 2022. At sa araw ding iyon, ay ipinakilala ni Toni sa kanyang mga tagasubaybay ang kanyang mga kasambahay na ayon pa sa kanya ay mag-ina, ito nga ay sina Mama Rose at Ate Anne na mula sa Bicol.
Pagbabahagi ni Toni, unang beses pa lamang nilang nagkaroon ng kasambahay, at malaki ang pasasalamat niya sa mag-ina sapagkat ang mga ito ay talagang kanyang napagkakatiwalaan lalo na sa mga gawaing bahay.
“For the first time po, si Mommy Oni ay nagkaroon ng kasambahay dahil kailangan ko na po talaga ng tulong”, ang naging saad ni Toni.
Kuwento pa ng vlogger, noong sa condo pa lamang ay kasama na nila sina Mama Rose at Anne, kaya naman hanggang sa kanilang paglipat sa bago nilang tahanan, ang ‘Toro De Palacio’ ay kasama rin nga niya ang mga ito.
At sa selebrasyon nga ng pamilya Toro nina Toni noong New Year’s Eve ay kasama nila ang mag-ina, kahit pa nga ang ibig sabihin nito ay hindi nakasama ng mga ito ang kanilang tunay na pamilya sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Nang tangungin nga ni Toni ang kasambahay na si Anne kung ano ang nararamdaman nito gayung hindi sila nakauwi ng kanyang ina sa Bicol upang doon salubungin ang holiday season, ay sinagot nga siya ng kanyang kasambahay na nami-miss nito ang pamilya, ngunit ganun pa man ay masaya pa rin naman ito dahil kasama nila ng kanyang ina ang kanyang idol.
Matapos ngang ipakilala ni Toni ang kanyang mga kasambahay sa mga tagasubaybay niya, ay binigyang sorpresa niya naman sina Mama Rose at Ate Anne sa pamamagitan nga ng pagbibigay ng 100-thousand pesos sa mga ito bilang kanyang regalo at pasasalamat din ng Toro family sa mga naitulong ng mga ito sa kanilang pamilya.
“Alam kong nami-miss niyo ang pamilya niyo, Mama Rose at saka Ate Anne.
At ngayong Bagong Taon, meron akong maliit na regalo para sa inyo.
Yes, dahil diyan mayroon kayong 100 thousand pesos!”, ang saad ni Toni kasabay ng pagbibigay ng nabanggit na halaga sa kanyang kasamabahay.
Sa labis na kasiyahan sa biyayang natanggap, ay hind inga napigilan ng mag-inang Mama Rose at Ate Anne ang maging emosyonal, at yakapin ng mahigpit si Toni upang ipaabot ang lubos nilang pasasalamat sa kabutihan nito. Pahayag pa ng mag-ina malaking tulong ang naturang halaga na kanilang natanggap na maipaayos ang kanilang tahanan sa Bicol.
Toni Fowler Binigyan Ng Tig 100k Ang Kanyang Mga Kasambahay
Source: Viral Pinas News






0 Comments