Kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang mga larawan nina Allan K at Ahhron Villena kung saan ay makikita ang sobrang sweet na pagtitinginan nilang dalawa. Ang mga larawan nga na ito ay ibinahagi mismo ni Allan K sa kanyang social media account, kung saan ay makikita naman na si Aahron ay may tatlong heart na komento rito kung kaya naman talagang maraming netizens ang tila napa-isip kung may namamagitan nga bang relasyon sa dalawa.
Ayon sa mga lumabas na ulat ang nasabing larawan ng dalawa ay kuha sa naging selebrasyon ng ika-63 taong kaarawan ni Allan K noong ika-3 ng Disyembre 2021 sa Boaracay, kung saan ay kasama nga niya ang ilan sa kanyang mga kaibigan.
Marami namang mga netizens ang napaniwala nina Allan K at Aahron Villena na may namamagitan sa kanila, dahil sa samu’t saring mga komento mula sa mga netizens ang natanggap ng larawan na ibinahagi ng TV host sa kanyang socmed account kung saan ay makikita nga ang sweet na tinginan nila ng aktor.
Nagkomento ang ibang mga netizens na kung totoo man na ang dalawa ay mayroon ngang relasyon ay maging masaya na lamang sana lahat para sa kanila, lalo na’t personal na buhay naman nila ito.
Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens;
‘L𝔬ve it and hayaan mo na lang silang dalawa sa moment nila together. Mukhang nage-enjoy nga sila together habang tumatagal at magkasama sila sa vacation trip nila sa Boracay ni sir Ahron, ganun! Maging masaya na lang tayo for them and supp𝔬rt kung ano yung re𝔞l score ng dalawang yan.’
‘Ayan na siya, haba ng hair mo jan nay para kang sweet 16. Inaantay ko yung pamalo ni Paolo Ballesteros.’ Hindi nga lamang mga netizens ang napa-react sa post ni Allan K na ito, dahil maging ang iba sa mga kasamahan nila sa showbiz ay may naging reaksyon din, halimbawa na nga lamang nito ang kapwa niya komedyante na si Kakai Bautista.
‘P𝔬st kapa nga ng madaming ganyan jowana! allan_klownz para mas maraming manginig sa ingg𝔢t. Daming mis𝔢rable. Hindi maka-Move on pati ako din𝔞damay. MORE! MORE! MORE!!!’, ang naging komento nga ni Kakai.
Maging ang kapwa Dabarkad’s ni Allan K na si Paolo Ballesteros ay napakomento din ng, ‘Teka nga.’
Ang iba pa nga sa mga celebrity na nagkomento sa post ni Allan K na ito ay sina Donita Nose, Jaya, Giselle Sanchez, at Hopia.
Allan K At Ahron Villena Napaniwala Ang Marami Na Mayroong Namamagitan Sa Kanilang Dalawa
Source: Viral Pinas News





0 Comments