Isa sa mga pinakalaman ng mga mainit na usapin ngayon sa mundo ng social media ay ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, kung saan ayon nga sa ilang mga haka-haka ng mga netizens ay tila nga nagdadalangtao na ang hinahangaang singer-actress.
Noon ngang araw ng Biyernes, ika-31 ng Disyembre 2021, bago ang pagsalubong nating lahat ng bagong taon, ay muling pinakilig ni Matteo Guidicelli ang maraming mga netizens at tagasuporta nila ng misis niyang si Sarah Geronimo.
Ibinahagi kasi ni Matteo ang sweet photo nila ni Sarah sa isang tila napakapreskong lugar dahil sa napakaganda nitong kapaligiran na napapalibutan ng mga luntiang puno’t halaman idagdag pa ang nakuhanan din ang mapang-akit na ganda ng papalubog na sikat ng araw.
Tila nga ang mag-asawang Sarah at Mateo ay ipinagdiwang ang New Year celebration out of town, kasama ang pamilya ni Matteo, sapagkat sa ilang larawan nga na ibinahagi ng aktor ay masisilayan na kapiling nila ng kanyang misis ang kanyang pamilya sa isang lugar na may malawak na lawn.
“Grazie 2021!! Looking forward for an awesome 2022 for everyone!! LOVE,” saad ni Matteo sa kanyang caption. Samantala, maliban sa sweetness ng mag-asawa, ay agaw-pansin rin sa mga mata ng mga netizens ang tila mini baby bump umano ng singer-actress, lalo na’t tila nga bakat na ang umbok ng tummy nito sa suot nitong floral fitted dress.
Agad ngang napaisip ang mga netizens kung tunay ngang nagdadalang-tao na si Sarah. At kahit wala pa ngang kumpirmasyon kung tunay bai to, ay may ilang mga tagahanga ang singer-actress na hindi maitago ang kanilang excitement, sakali man ngang buntis nga ang kanilang idolo sapagkat matagal na rin nga nilang hangad na magkaroon na ng anak ang mag-asawang sina Sarah at Mateo.
Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens; “Buntis si Sarah?” “prang me mini bump.” “If buntis sim s Sarah maganda regalo yun ng Diyos” Kung ang iba nga ay sinasabing buntis na si Sarah, mayroon namang ilan na kumontra at sinabi na baka busog lamang ang singer-actress.
Matatandaan naman na hindi ito ang unang pagkakataon na napabalitang buntis si Sarah, magmula nga ng siya ay maikasal kay Matteo. Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa namang inilalabas na saloobin ang mag-asawang Sarah at Matteo tungkol nga sa haka-hakang ito.
Sarah Geronimo Usap-Usapan Ang Baby Bump Na Lumitaw Sa Kanyang Mga Larawan
Source: Viral Pinas News





0 Comments