Marami ang napa-wow na netizens sa mga bagong larawan na ibinahagi ng kapatid ni Ruru Madrid na si Athena o mas kilala bilang si “Rere” sa kanyang Instagram account nito lamang nakaraan.
Talaga namang tila pinainit ni Athena ang napakarami niyang mga tagahanga ng ilabas niya sa kanyang socmed account ang ilang sa kanyang mga larawan na kuha sa kamakailan lamang na photoshoots na kanyang ginawa.
Suot ang two-piece underwear na kulay itim na pinatungan ng cover na underneath full body fishnet, idagdag pa ang kanyang gorgeous volume hair ay tila nga naging mapang-akit ang postura ni Athena sa kanyang mga bagong larawan.
“Be your own type of beauty”, ang naging caption ng ‘To Have and To Hold’ star sa kanyang Ig post na ito, kasunod ang naging pagbanggit niya sa kanyang glam team na siyang dahilan ng pagkakaroon niya ng napakagandang photoshoot.
Ayon nga kay Athena naging matagumpay at napakaganda ng kanyang photoshoot na ito sa tulong nga ng kanyang glam team, kung saan ang kanya ngang naging photographer ay si @jericksanchez, make-up naman niya ay gawa ni @justinenavato, at ang kanyang buhok ay inayos ni @ariesmanal at ang @myrrhalaoto @miktabimina @mc.king.tosh @edjgalang ang nag-ayos ng kabuuan ng kanyang photoshoot.
Makikita naman na agad na bumaha ang komento sa IG post na ito ni Athena, kung saan ay marami nga sa kanyang mga tagahanga at maging kapwa celebrity ang humanga sa kanyang angking kagandahan.
Kabilang nga sa mga nagbigay komento ng kanilang paghanga sa kagandahan ni Athena sa kanyang mga bagong post na larawan ay sina Faye Lorenzo, Janelle Tee, Ana Vicente at marami pang iba.
Si Athena Madrid ay kilala bilang ang nakababatang kapatid ng Kapuso actor na si Ruru Madrid. Siya rin ay isa sa mga bituin ng GMA-7 na bumubuo ng kanyang sariling pangalan sa industriya at patuloy na pinapakinang ang kanyang karera bilang isang aktres.
Ang kanyang husay at galing sa pag-arte ay ipinamalas niya kamakailan lamang ng siya ay mapabilang sa Kapuso series na ‘To Have and To Hold’ na pinagbidahan nina Carla Abellana, Max Collins at Roco Nacino. Ang kanyang naging karakter sa seryeng ito ay bilang si ‘Grace’ ang nakababatang kapatid ni ‘Gavin’ na ginagampanan nga ni Roco.
Sulyapan Ang Mga Larawan Ng Kabigha Bighaning Kagandahan Ng Kapatid Ni Ruru Madrid Na Si Athena
Source: Viral Pinas News







0 Comments