Isa sa mga pinakamatagumpay na aktres ngayon sa mundo ng showbiz si Kathryn Bernardo. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami sa atin na talagang malayong malayo na ang kanyang narating, dahil mula sa pagiging isang child star ng ABS-CBN ay isa na nga siya ngayon sa mga Blockbuster Queen, dahil sa dami ng mga pelikula na kanyang ginawa na talaga namang naging matagumpay at pumatok sa takilya.
At sa layo na nga ng narating ni Kathryn bilang isang mahusay na aktres, ay napakarami na rin niyang mga pangarap sa buhay na nabigyan niya ng katuparan, kagaya na nga lamang ng mga ari-arian at negosyo na kanyang naipundar.
Kamakailan nga lamang ay masaya namang ibinahagi ni Kathryn na isa sa kanyang mga pangarap ang unti-unti na nga niyang nabibigyan ng katuparan, at ito nga ay ang kanyang ‘dream house’ na ngayon ay kanya na ngang ipinapatayo.
Matatandaan na noong ika-24 ng buwan ng Hulyo taong 2019 ay nagbahagi ang ina ni Kathryn ng larawan kung saan ay makikitang sila ay tila nasa isang lokasyon na maaring pagtayuan ng bahay o gusali. Nang panahon din na iyon ay kasama nila ang nobyo ni Kathryn na si Daniel Padilla.
Noon namang buwan ng Marso taong 2020 ng mag-groundbreaking ang Kapamilya actress sa lupain kung saan itatayo nga ang kanyang dream house. At sa kanyang ngang Instagram account, ay masayang ibinahagi ng 25-taong gulang ng si Kathryn ang journey ng pagpapatayo niya ng kanyang dream house.
Muli namang nagbahagi si Kathryn ng post sa kanyang IG noong ika-25 ng Marso taong 2020, at dito ay ipinakita na nga ng aktres na sinisimulan na nga nilang planuhin ang ipapatayo niyang bahay.
Ipinasilip naman ng aktres noong ika-3 ng Agosto taong 2021 ang on-going construction ng kanyang dream house. Makikita nga sa mga larawan na sinisimulan na at hinuhugis na ang tahanan na ipinapatayo ng aktres, kung kaya naman bakas kay Kathryn ang kasiyahan.
Sa kaparehong araw din na iyon, ay nagbahagi rin ng larawan ang ina ni Kath na si Luzviminda Bernardo, kung saan ay kanya ding ibinida ang dream house na ipinapatayo ng kanyang bunsong anak.
“Yes anak, it is finally happening…
Like ng lagi nating sinasabi: sa buhay we need to do baby steps as when you add up these little steps we take toward our goal.
”, ang naging caption pa nga ni Mommy Min sa kanyang IG post.
Samantala, nito nga lamang ika-5 ng Enero taong 2022 ay muling nagbigay update si Kathryn sa ipinapatayo niyang dream house. At dito nga ay unti-unti ng masisilayan na isang luxurious at napakalaking tahanan ang dream house na ipinapagawa ng Kapamilya actress.
“Site visit Jan’22
”, ang naging caption naman ni Kath sa kanyang IG post.
Kathryn Bernardo Nagbigay Pasilip Sa Ipinapatayong Dream House Na On-Going Ang Construction
Source: Viral Pinas News






0 Comments