Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Baron Geisler Ibinahagi Ang Napakagandang Christmas Photo Ng Kanyang Pamilya

Sa kabila ng mapait na nakaraan ng aktor na si Baron Geisler dahil sa kanyang napakaraming maling desisyon sa buhay at mga aberyang nagawa ngayon nga ay mas maayos na ang buhay niya ngayon, at ang dahilan nga nito ay ang kanyang masayang pamilya na binuo niya.

Hindi maitatanggi na ngayon ay puno ng saya ang buhay ni Baron. Madalas nga niyang ibahagi sa kanyang social media account ang larawan ng kanyang munting pamilya, lalo na ng kanyang napaka-cute na anak, na isa sa mga nagbigay sa tamang direksyon ng kanyang buhay.

Nito lamang nakaraan nang papalapit na nga ang holiday season, ay nagbahagi ang aktor sa kanyang Instagram account ng magandang larawan ng kanyang pamilya. Makikita sa larawan na kasama niya ang kanyang asawa at anak, at sila nga ay naka-red outfit na talaga namang bagay na bagay sa papalapit na kapaskohan.

“Tis’ the season”, ang naging unang pahayag ni Baron sa kanyang IG post.
Masisilayan sa mga larawan ang mga magagandang ngiti ng aktor, na sumisimbolo nga sa kaligayahan na kanyang nadarama ngayon sa piling ng kanyang asawa’t anak.

Matatandaan na sinalubong nina Baron at Jaime Evangelista ang pagdating ng kanilang anak noong buwan ng Enero taong 2020. At tunay ngang napakalaking blessings nito mula sa Panginoon, lalo na’t isang malusog na baby girl ang sa kanila ngang ipinagkaloob. Pinangalanan nila itong si Baby Talitha Cumi.

Naibahagi noon ni Baron sa isang panayam sa kanya kung paanong nabago ang kanyang buhay mula ng siya’y magkaroon ng sarili niyang pamilya. Kung babalikan kasi natin, ang imahe niya ay isang “Bad boy” na mahilig nga sa gulo, ngunit magmula ng nga ng siya ay nagkaroon na ng sarili niyang pamilya, ay unti-unti ng nawala ang bad boy image niya, at siya nga ay naging isa ng ‘family man’ at responsableng padre de pamilya.

Kung noon nga ay talagang lapitin siya ng gulo, ngayon ay iniiwasan na niya ito. Kung noon ay tila walang direksyon ang kanyang buhay, ngayon ay umiikot na ito sa kanyang pamilya.
“As much as possible kung may manghahamon sa akin diyan, eh, tatakbo na lang ako kasi ayaw natin ng kaaway, lahat kaibigan natin”, pahayag nga noon ni Baron sa panayam sa kanya.

Dagdag pa nga niya, dahil sa naranasang halos isang taong lockdown kasama ang kanyang pamilya sa Cebu ay marami siyang naging reyalisasyon sa buhay.
“Now family comes first. More than any material things, familyis the most important thing in the world. I consider 2020 as a blessing in disguise. Marami akong natutunan. I got take care of my daughter. Naging hands-on pa kami ng asawa ko, si Jamie”, aniya pa.



Baron Geisler Ibinahagi Ang Napakagandang Christmas Photo Ng Kanyang Pamilya
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments