Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ogie Diaz Ibinahagi Kung Ano Ang Kahanga-Hangang Katangian Ng Aktres Na Si Liza Soberano

Ang Kapamilya actress na si Liza Soberano ay isa sa mga hinahangaang artista ngayon sa mundo ng showbiz. ang talent manager ni Liza ay si Ogie Diaz, at kamakailan nga lamang ay ibinahagi nito, kung paano nagsimula ang kapamilya actress sa showbiz at paano umusbong ng napakaganda ang karera nito.

Kamakailan nga lamang ay ipinagdiwang ni Liza ang kanyang ika-22 taong gulang na kaarawan, kaya naman sa Instagram ay nagpaabot ng pagbati sa kanya ang talent manager niyang si Ogie, kalakip nga ng mga larawan nila ni Liza noong panahon na nagsisimula pa lamang sa pag-aartista ang Kapamilya actress.

Mensahe ni Ogie sa larawan na kanyang ibinahagi, ay sinabi nga niya na ito ang pinakapaborito niyang larawan nila ng Kapamilya actress. Taong 2012 nga umano kinunan ang nasabing larawan , kung saan ay makikita nga kung gaano kasimpleng dalaga si Liza noong nagsisimula pa lamang ito sa industriya.

Dagdag na saad pa ni Ogie, ang nasabing larawan na kanyang ibinahagi ay ang mga panahon din na gusto ni Liza ang maging isang modelo, ngunit dahil sa ‘convincing power’ niya ay napapayag nga niya ito na maging isang artista, at dito na nga siya nagsimula na maging talent manager ni Liza.

“Ito ang pinakagusto kong picture sa dami na pics with @lizasoberano. Very memorable kasi ito, dahil first pic namin ito noong 2012. Napakasimpleng bata. Gusto niyang magmodelo noon, pero nakumbinse namin siyang mag-artista”, ang naging saad ni Ogie sa kanyang IG post kalakip nga ang larawan nila ng Kapamilya actress.

Dahil sa pagiging isang mahusay at maayos na talent manager ni Ogie, ay kaagad namang nabigyan ng ‘break’ si Liza sa mundo ng showbiz, at dito na nga nagsimula ang lahat. Ang una ngang programa na kinabilangan ni Liza ay isang episode ng fantaseryeng “Wansapanataym”. Dito na nga nag-umpisa na mahalin si Liza ng maraming mga manood, hanggang sa magkaroon na nga siya ng kanyang unang lead role kung saan ay nakapareha niya ang aktor na si Enrique Gil sa teleserye noon na “Forevermore”.

Proud ding ibinahagi ni Ogie sa kanyang Ig post, kung paano ang naging determinasyon at pagtatiyaga ni Liza noong ito ay nag-uumpisa pa lamang sa pag-aartista. Damang-dama nga sa post na ito ni Ogie, kung gaano siya ka-proud sa aktres. Ayon nga kay Ogie, ay isang masunurin na artista si Liza, nakakatuwa rin umano ito dahil sa pagiging matiyaga nito, hindi mainipin at marunong maghintay.

Isa pa nga sa mga ikinaka-proud ni Ogie kay Liza ay ang pagiging mapagkumbaba ng Kapamilya actress. Ito ay dahil sa kabila nga ng tinatamasang kasikatan ni Liza at kahit 8-taon na ito sa pag-aartista ay nanatili pa rin itong mapagkumbaba at mapagmahal lalo na nga sa pamilya nito.

Hindi rin naman kinalimutan ni Ogie na ipaabot ang pagbati niya para sa kaarawan ni Liza
“At kaarawan niya today, kaya happy, happy bday, Hopie Salamat. Maraming maraming salamat sa kabaitan mo.”

Pinasalamatan din ni Ogie ang Kapamilya actress, dahil sa malaking naitulong nito sa kanyang pamilya, lalo na nga sa kanyang anak na si Meerah Khel na noon nga ay nanganib ang buhay dahil sa pagiging premature baby nito. Ayon nga kay Ogie, ay utang niya kay Liza kumbakit buhay na buhay ngayon ang kanyang bunsong anak.



Ogie Diaz Ibinahagi Kung Ano Ang Kahanga-Hangang Katangian Ng Aktres Na Si Liza Soberano
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments