Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Isang Waiter Nakapagpatayo Ng Sarili Niyang “Coffee Shop” Sa Gitna Ng Palayan

Hindi pa man nagkakaroon ng krisis sa ating bansa ay isa na sa mga pumatok na negosyo ay ang mga coffee shop. Patok na patok nga ito sa mga empleyado, mga estudyante at lalo na nga sa mga taong talaga namang hilig ang kape o kung tawagin ay mga ‘coffee lover’. Kahit nga nagkaroon ng krisis, ay isa ang mga ‘coffe shop’ business sa mga nanatiling matatag ang kitaan, dahil na rin sa hindi nagsasawang magkape ang mga tao, idagdag pa ang kakaibang pagkakatimpla nila ng kape at mga flavors.

Maliban pa nga sa iba’t ibang flavor ng kape, karaniwan din na dinarayo sa mga coffee shop ay ang ambiance ng shop na tunay namang nakakarelaks.
Isa sa nga sa mga coffee shop na may ganitong ideya ay ang ag.KAPI.ta na matatagpuan sa Daang Kalikasan Road, Pangasinan na pagmamay-ari ng mag-asawang Mawi Rillorta Jr. at Zelle Vesoza Bendito. Kung kadalasan nga ay matatagpuan sa mga malls ang mga coffee shop, kaiba naman sa mga ito ang ag.KAPI.ta dahil sa ito ay makikita sa gitna ng malawak na palayan.

Talaga namang dinarayo rin ang coffee shop na ito na pagmamay-ari ng mag-asawa, dahil maliban sa pagkakaroon ng masarap na kape dito, ay nakapagbibigay din ito ng nakakarelaks na pakiramdam sa kung sinoman ang pupunta rito dahil na rin sa napapalibutan ito ng mga luntiang puno na napakaganda nga naman pagmasdan.

Ang coffee shop nga umano na ito na pagmamay-ari ng mag-asawang Mawi at Zelle ay inspired sa mga outdoors at minimalist coffee shops sa bansang Japan. Ayon nga sa mag-asawa, ang ideya sa likod ng ag.KAPI.ta, ay dahil sa pareho silang coffee lovers.

“Naisip namin ngayong krisis, problema ngayon is mental kasi nasa bahay tayo, stressed sa trabaho, stressed dahil walang nakikitang bago.”
Sinimulan nina Mawi at Zelle ang kanilang coffee shop sa kapital na 150,000 pesos, sa kabila ng kulang pa ito sa pagpapatayo ng coffee shop ay itinuloy pa rin ng mag-asawa ang pagsisimula nila ng negosyo. Mababakas din sa kanila kung gaano sila kapursigido na tuparin ang pangarap nilang negosyo.

Kuwento ni Mawi, bago pa man nila pasukin ng kanyang asawa ang pagnenegosyo, ay nagtrabaho muna siya sa barko. Naging waiter din umano siya noon sa mamahaling restaurant dahil sa kanyang kagustuhan na umangat sa buhay, ay mas nagpursige pa nga siya sa kanyang trabaho. Pagbabahagi niya, nag-aral siya sa kung papaano ang gumawa ng iba’t ibang mga inumin, dahil sa hindi siya kontento sa pagiging waiter dahil sa may nais pa nga siyang marating.

Dahil naman sa sipag, tiyaga at dedikasyon nilang mag-asawa ay naging matagumpay ang kanilang ipinundar na simpleng coffee shop. Nagbigay payo rin si Mawi, para sa mga nagpaplano na magtayo o magsimula ng kanilang sariling negosyo.

“Makaisip kayo ng isang negosyo, na sa tingin niyo buong puso ‘yung pagmamahal ninyo doon sa negosyo na ‘yon, gawin niyo. Paano mo ng aba malalaman kung hindi mo susubukan?”, payo ni Mawi.



Isang Waiter Nakapagpatayo Ng Sarili Niyang “Coffee Shop” Sa Gitna Ng Palayan
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments