Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Richard Gutierrez Ipinagdiwang Ang Ika 38 Kaarawan Sa El Nido, Palawan

Sa buhay ng isang tao ay isang biyaya na maituturing kapag sa panibagong taon na dumarating ay nagagawa mo pa ring ipagdiwang ang yong kaarawan ng malakas at masaya kasama ang iyong buong pamilya. Kaya naman bilang pasasalamat sa panibagong buhay na ipinagkaloob, ay nagkakaroon ang bawat pamilyang Pilipino ng selebrasyon simple man ito o magarbo kung mayroon man na isang miyembro ng pamilya ang nagdiriwang ng kaarawan.

Ang aktor na si Richard Gutierrez ay isa na naman nga sa mga pinagkalooban ng panibagong buhay at pagkakataon na ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Kaya naman sa espesyal na araw na ito sa kanyang buhay, ay hindi niya pinalampas ang pagkakataon na maipagdiwang ito kasama ang kanyang buong pamilya.

Isinilang noong ika-21 ng Enero taong 1984 ang Kapamilya actor na si Richard Gutierrez, kaya naman noon ngang nakaraang ika-21 ng Enero, araw ng Biyernes ay ipinagdiwang niya na ang kanyang ika-38 taong gulang na kaarawan.

Para sa pagdiriwang nga ni Richard ng kanyang kaarawan ay pinili niya at ng kanyang pamilya na magdiwag sa pamamagitan ng isang bakasyon. Kasama ang kanyang misis na si Sarah Lahbati at kanilang dalawang anak na sina Zion at Kai ay nagbakasyon nga ang mag-anak sa isang napakagandang beach sa El Nido, Palawan.

Makikita sa Instagram account ng misis ni Richard na si Sarah ang naging pagbabahagi nito ng mga magagandang larawan na kuha sa naging masaya nilang bakasyon sa Palawan bilang selebrasyon nga ng kaarawan ng kanyang mister.

Maliban pa dito ay masisilayan din sa IG post sa isa pang IG post ni Sarah ang naging pagbabahagi niya ng matamis na pagbati niya para sa kaarawan ng kanyang mister na si Richard, at nilakipan niya pa ito ng isa nilang ‘sweet photo’ kung saan mababakas naman ang kanilang pagmamahalang mag-asawa.
“Happy birthday, my love. Lucky to be your wife and best friend. Zion, Kai [and] I love you so much! May God continue to bless [and] guide you. May all your dreams come true.”

Hindi lamang nga si Sarah ang nagpaabot ng pagbati para sa minamahal niyang asawa, dahil bumuhos rin sa comment section ng kanyang IG post ang mga pagbati mula sa kanilang mga kaibigan at maging sa mga netizens para sa isa sa mga hinahangaang aktor sa industriya ng showbiz.

“Happy birthday chard!!! God bless you more!!!” “Happy birthday bro!”
Magkakasunod naman na post ang ibinahagi nina Sarah at Richard sa kani-kanilang Instagram account, kung saan ay ibinahagi nga nila ang mga larawan na nagpapakita kung gaano nila na-enjoy ang bakasyon nila sa mala-paraisong isla ng El Nido, Palawan. Siyempre hindi rin naman nawala sa selebrasyon ng kaarawan ni Richard ang pagkakaroon nilang magpamilya ng salo-salo, kung saan nga ay masasarap na pagkain ang kanilang pinagsaluhan.



Richard Gutierrez Ipinagdiwang Ang Ika 38 Kaarawan Sa El Nido, Palawan
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments